"One Way"

11.1K 32 0
                                    

"Hi pretty lady" she smiled because of that compliment. Ngumingiti ngiti lang siya mag-isa habang umiinom ng mainit na gatas.

"Uso naman sumagot, pretty lady" napatawa ang dalaga. Ang kulit lang talaga ng kausap niya. Pero kahit ganun mahal niya ang kausap, she's her bestfriend for almost...

"Isa nalang talaga ibababa ko na itong phone call na toh!"

"Haha! Sorry sorry Maq, ok bakit ka naman napatawag?"

Napatahimik naman kausap niya sa kabilang linya tapos parang natatawa.

"French?"

"Uhmm, Juls..." Naririnig ni Julie ang mahinang tawa ni Maqui sa kabilang linya.

"Maq."

"Ok ok..ano kasi..pwedeng...pwede bang..."

"Pwede bang ano?"

"Pwede peram muna si Elmo? Sige na kahit one time lang"

Uhmm, ano ba ang dapat niyang isagot? Bestfriend niya si Maqui at may tiwala naman siya dito pero hindi niya maintindihan kung bakit hinihiram nito ang..ano ba..ano bang tawag sakanila ni Elmo. Ok sige bestfriend slash manliligaw. Bakit nga ba?

"Bakit mo sakin hinihiram si Elmo? Saan mo naman siya balak dalhin?"

"Sa...sa Bar."

"Whatttttt?"

"Chill girl, may gimik kasi ang barkada, alam mo naman uso din naman magsaya diba? Niyaya ko na kasi si Elmo pero mukhang nag dadalawang isip...at naisip ko na dahil siguro sayo. Masyado naman kasing goodboy yun lately."

Goodboy. Ang saya lang niya ng marinig yun na goodboy si Elmo habang wala siya. Ano bang dapat isagot sa bestfriend niya? Papayag ba siya? Iba kasi ang pakiramdam niya dito.

"Julsss, ano payag ka na ba?"

"Ok sige, wala naman dapat ipagpaalam sakin kasi buhay naman niya yan and....hindi naman kami." Hindi niya din alam kung bakit niya nasabi yun. Ay basta.

"Hindi pa kayo." Oo tama si Maqui. Hindi pa kami. Hindi pa ngayon, may tamang panahon naman para sa amin eh. Kapag sure na talagang mahal namin ang isa't isa. Yung wala na kaming takot sa kung ano man ang pwedeng mangyari kung sakaling maging kami.

"So yun lang ba?"

"Yup yun lang! Salamat sa pagpayag mo pretty girl! Haha! Wag ka mag alala sisiguraduhin kong mag eenjoy si Elmo dun. Yung tipong makakalimutan muna niya na wala dito sa pinas ang mahal na mahal niyang bestfriend or should i say, soon to be girlfriend."

Tahimik lang siyang pinapakinggan si Maqui, para bang nagbago yung mood niya. Ewan niya ba? May tiwala siya kay Elmo pati kay Maqui. Sana naman walang pangyayari na ikakasama ng loob niya.

"Joke lang girl! Hahaha! Nanahimik ka eh...wag ka mag alala Julie, hindi magloloko yun. Lagot siya sakin kapag may kalokohan na ginawa yun."

Napangiti siya. "Uhmm, maq, wag mong papainumin ng marami si Moe ah? Kahit yun lang."

"Of course. Sige na girl kailangan ko pa magbihis at makapag ready ng mag party party. Miss you Jowleh"

"Miss you too Maqui." At ibinaba na niya.

"Goodluck Julie Anne, sure ako na sasakupin nanaman ni Elmo ang isip ko lalo na ngayon...nasa bar siya."

"What? Anong sabi mo? Nagpaalam ka kay Julie?" Gulat na tanong ni Elmo.

"Yup. Eh kasi naman ang hirap mong yayain. Pumayag naman na si Julie eh ok lang daw hindi naman daw kasi kayo kaya pwede mo namang gawin yung mga gusto mo."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon