"Boss"

2.5K 72 0
                                    

"Boss"


Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo ako sa may veranda ng biglang may narinig ako na kulog. Tumingin ako sa langit. Makulimlim. 


"Uulan ata.." 


"Uulan nga kaya pumasok ka na dito baka mamaya abutan ka pa dyan ng ulan."


Napatingin ako sa likod ko. Napangiti naman ako. 


"Ano ka ba! Yun nga ang hinihintay ko eh. Ang umulan. Mainit kaya." 


Lumapit siya sakin. Nilapag niya sa mesa ang dala dala niyang tray na naglalaman ng strawberry cake at dalawang tasa ng mainit na gatas. 


"Meryenda muna tayo?" 


"Ikaw nag prepare?" 


Tumango siya at ngumiti. 


"Yes Boss." 


"Hmm. Mukhang masarap ah? Mapapakain ako ng marami." 


"Hindi ka pwede masyado sa sweets. Yung tama lang." 


Natawa naman ako. "Alam ko naman yun noh. Akala ko lang naman lulusot ako sayo. Alam na alam mo talaga." 


"Oo naman noh. Para saan pa at naging boyfriend mo ko." 


Uminom ako ng gatas. 


"Thank Moe. Thanks for coming." 


"Anything for you. Mabuti nga at tinawagan mo ko kaagad." 


"Why?" 


"Pakiramdam ko kasi kapag nasa condo ako mamamatay na kaagad ako kasi namimiss na kita." 


Napailing nalang ako. 


"Baliw ka talaga. Dami mong alam." 


"Oo naman." 


Kumain na muna kami. Tahimik kaming kumakain ng makaramdam ako ng patak ng tubig sa kamay ko. 


"Moe? Umaambon na." 


Tumingin siya sa langit. Tumayo siya at inayos ang pinagkainan namin. 


"Pumasok ka na." 


Sinunod ko ang utos niya. Pumasok ako sa loob at umupo sa kama. Inaayos niya ang pinagkainan namin. Maya maya, bumalik na siya. 


"Ayos, masarap matulog ngayon. Umuulan." 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon