"Magic"

1K 35 0
                                    


"Magic"

"Ang swerte mo sa sakanya."

Napangiti ako sa sinabi ng nag aayos sakin.

"Oo nga po eh. Napaka understanding niya."

"Alam mo ba once din akong naging fan ng isang loveteam. Si Sharon at Gaby? Fan ako nun."

"Talaga po?"

Tumango siya. "Oo. Ang cute kasi ng loveteam nila. Yung ibang mga loveteam kasi ngayon sobrang ma PR. Obvious naman na walang spark kahit pa may connection."

Napakunot noo ako. "What do you mean po?"

"Hmm.."

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Sa isang loveteam kasi hinahanap ko yung tinatawag nilang magic. Siguro naman naramdaman mo na yun sa mga naging kaloveteam mo?"

Napailing ako. "Sa iba kong naging ka loveteam wala po pero sakanya.."

Tiningnan ko siya na nakikipag usap sa mga staff doon. Tumatawa siya kasama ang mga ito na para bang barkada lang niya. Narinig ko na tumawa ang hair stylist ko. Napatingin ako sakanya.

"Bakit po?"

"Ngayon alam ko na.."

"Na?"

Ngumiti siya. "Sainyong dalawa, hindi lang magic ang makikita mo. Nakakakita din ako ng love. Iba pala ang loveteam niyo noh?"

Napailing ako. Tiningnan ko siya ulit.

"Boyfriend ko po siya."

Sabay ngiti. Hinihiling ko na sana tumingin siya sakin. Makita niya ko na nakangiti sakanya. Hindi naman ako nabigo at tumingin siya sakin at ngumiti. Nakita ko na naglalakad na siya papunta sakin.

"Hey beautiful, are you done?"

"Not yet, handsome. Bored ka na ba?"

Umiling siya. "Masaya naman kausap yung mga staffs dito. Hindi naman ako naiinip."

"Well, excuse me muna love birds."

Nakangiti akong tumango sa hair stylist ko. Tumayo ako at lumapit sakanya. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"I told you not to come. Pwede naman na after shoot ko nalang tayo magkita. At least nakapag pahinga ka pa."

Natawa siya. "Hey, gusto ko makita ang first ever shampoo endorsement mo. Wala kasi ako nung panahon na nasa black beauty ka. Gusto kong suportahan ito so please let me."

"Oo na po. Hm, saan tayo after these?"

"Anywhere with you."

"Sweet mo."

Hinalikan niya ko sa noo.

"Alam ko."

Umupo kami at hinintay ang photo shoot ko. Tinitingnan ko siya habang nag cellphone. Napatawa ako kasi ang seryoso nanaman niya. Siguro, naglalaro. Nagulat ako ng bigla niyang ipakita ang cellphone niya sakin.

"What?"

"Look, may issue dito na may boyfriend ka na daw."

Unti unti akong napangiti.

"Meron naman talaga ah?"

"A..Ano?"

Tumayo ako ng makita ko sa manila paper na tinatawag na ko. Natatawa akong lumakad papunta doon at iniwan muna siya pansamantala. Habang nagpapa cute ako sa camera, pasimple ko siyang tiningnan at nakita ko na mahaba ang nguso niya at magkasalubong ang kilay. Hindi ko tuloy maiwan na matawa.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon