B2LY3

3.9K 111 1
                                    

[Ashley P.O.V]

"Mommy, Me and Kuya are done." Napatingin ako kay Andrea ng nagsalita sya.

"Agad?" Tanong ko.

" Yup. Nakatulala ka po kasi Mommy kaya hindi mo po ata napansin." Sagot ni Marcus.

Lumuhod ako sa kanila para mapantayan ko silang dalawa.

"Listen--"

"Mom, you are crying" Sambit ni Marcus at pinunasan ang luha ko.

"Are you okey mommy?" Tanong ni Andrea at tumango ako.

"Listen, pagkalabas natin dito, aalis na tayo okey? Kaya paglabas na paglabas nyo dumiretso na kayo sa DaddyLolo nyo and say goodbye na okey?" Paliwanag ko.

"But, How about Ninong Jeric?" Tanong ni Marcus.

"I will call him na lang" Sambit ko at tumango sila.

[Hello, Ashley, May ipapadagdag ka ba? Pabalik na ko]

"Ready the Car, Aalis na tayo"

[Ha? O-Okey-Okey]

Huminga kong malalim and then I slowly unlock the door

"Again, si DaddyLolo lang ang kakausapin nyo okey? Wala ng iba" Sambit ko at tumango sila.

Binuhat ko na si Andrea and Marcus open the door.

"DaddyLolo! We're going home na po" Rinig kong wika ni Marcus.

"Ha? Eh kakain pa kayo diba?" Tanong ni Tita Michelle

"Mommy? Are you sure you are okey?" Tanong ni Andrea at tumango ako.

"Let' s go" Ngiti ko sa kanya at tumango sya.

Paglabas na paglabas ko ng CR I saw him.

"A-Ashley..." He whispered and look at Andrea

"Mommy, magpapaalam na po ko kay DaddyLolo" Sabi ni Andrea at ibinaba ko na sya.

"Ashley" Ulit nya pero hindi ko na sya tinignan.

"Hija? Akala ko ba kakain pa yung mga bata? Paka-inin mo muna sila dito" Sambit ni Tita Michelle at umiling ako.

"S-Sa Bahay na lang po. Tyaka, Naghihintay na po si Jeric sa ibaba" Sabi ko at kinalong na ulit si Andrea.

"Okey Hija, Take Care okey? And Twins' pakabait" Paalala ni Dad at tumango silang dalawa.

"U-Una na po kami" Sabi ko.

"A-Ashley" Napapikit na lang ako ng bigla syang humarang sa harap namin.

"M-Mommy, who is he?" Tanong ni Marcus.

"K-Kids! I-Im you--"

"I don't know him. Tara na Marcus" Sabi ko at nilagpasan si Eugene.

"M-Mom!" tawag ni Marcus at tinignan ko sya. Kandong-kandong sya ni Eugene.

Hindi pwede.

"Ash--Eugene!" Gulat na sabi ni Jeric.

"Hold Andrea" Malamig kong sabi at kinalong nya si Andrea

"Lumabas na kayo Jeric" Sambit ko at hindi na sya nag-atubiling magtanong at lumabas na lang.

"Akin na si Marcus" Seryosong sabi ko sa kanya.

"No!" Tugon nya.

"M-Mom" Natatakot na tawag sa akin ni Marcus.

"Akin na ang anak ko." Sabi ko at nilapitan si Marcus pero iniwas nya.

"Anak mo? O Anak nating dal'wa?" Matigas na sabi nya at umiling ako.

"Anak nating dal'wa? Wala tayong anak. Akin na si Marcus!" Bwiset kong sabi sa kanya pero umiling sya.

"Really? Alam ko lahat Ashley. Alam ko! Narinig ko yung pag-uusap nyo nila Stacy sa Skype, 8 years ago!" Napakunot ang noo ko ng sumigaw sya.

"M-Mom! *Sob" Marcus is crying.

Napatingin sya dito kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makuha si Marcus.

"*Shhhh..." Patahan ko at tinignan ng masama si Eugene.

"Wala kang anak sa akin Eugene. Wala tayong anak!" Sambit ko

"Hija, this is the right time para malaman nya ang totoo" Sambit ni Dad at tinignan ko sya.

"No Dad wala syang dapat malaman at ikaw, Eugene, simula ng pinagtulakan mo ko, hindi na kita kilala. Oo, anak mo rin sila, pero wala kang karapatan dahil simula ng araw na yun, tinalikuran mo lahat. " Mariin kong sambit at umiling sya.

"No! May karapatan ako sa mga bata! Anak ko rin sila! Laman at dugo nating dalawa!" Pagmamatigas nya at akmang lalapit sa akin.

"Don't you dare come near with my Mom!" Sigaw ni Marcus sa kanya at pinunasan ang pisngi ko.

"We don't need you! Kung ikaw man ang Daddy namin, wag ka pong mag-alala, We know you! Kilala ka po namin! Pero hindi ka po namin kailangan! Dahil kung talagang may pakeelam ka po sa amin, No matter what happens, sana hinanap mo si Mom nung buntis pa sya! Sana hinanap mo kami! But no! We don't need you, besides we are a happy family, Me, My twin Andrea, Mom and Ninong Jeric." Sigaw nya at maski ako natigilan sa sinabi ni Marcus.

Paano sya nakakapagsalita ng ganito?

"No, Marcus.. Let me explain" Kausap nya sa anak KO.

"Bakit Eugene? Nung oras na gustong mag-explain sa iyo ni Ashley, pinakinggan mo ba sya? Diba hindi?" Napatingin ako kay Jeric na hawak-hawak parin si Andrea.

"Wag kang mangeelam dito" Simple nyang sabi.

"Tara na." I said at tinalikuran ko si Eugene.

"Ashley! Hindi ito ang huli nating pagkikita!" Rinig kong sigaw nya at umiling na lang ako.

Stay with Me [B2:LY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon