[Ashley P.O.V]
"Nagawan na ni Eugene ng paraan lahat anak" Wika ni Dad at umiling ako.
"Na pull out na nga nya lahat, pero hindi parin tapos" Sambit ko.
"I heard nagpunta kayo ng mga bata sa opisina nya nung isang araw?"
"Yes. Gusto ng mga bata eh. But, galit ang kids ko ngayon sa kanya."
"Bakit naman?"
"Iniwan nya kami sa department store ng walang paalam at nahuli sya ng mga bata na nasa Cafè with his Girlfriend" Paliwanag ko at tumango sya.
"Okey, then anong plano mo ngayon?"
"Tapusin lahat ng kailangang tapusin at bumalik ng states" Walang ganang sabi ko.
"What? Eh ang mga bata?"
"Dad, sila ang nagsabi sa akin na bumalik na kami ng states" Sagot ko at natigilan sya.
"DaddyLolo!" Napatingin ako kay Andrea na sumigaw.
"Be careful!" Paalala ko dahil patakbo syang bumababa ng hagdan.
"Good Morning Princess!" Masayang bati ni Dad at kinalong si Andrea.
"Where is your kuya?" Tanong ko.
"Kausap po si Ninong Jeric" sagot nya at tumango ako.
"Dad, tatawagin ko lang si Marcus para sabay-sabay na tayong magbreakfast" Sambit ko at tumango sya.
Umakyat na ako ng hagdan at pumasok sa kwarto. Naabutan kong magkausap parin si Marcus and Jeric.
"Mom! Mom! Ninong Jeric told me that tuturuan nya akong mag-guitara!" Masayang sabi ni Marcus at nagsimula na akong magtiklop ng mga kumot
"Kelan naman daw?" Tanong ko.
"Hello Ninong! When will you teach me how to play guitar?--- Sure!"
"Mommy! After daw ng concert nila! Uhm, and Ninong want to talk to you" Sabi nya at ini-abot sa akin ang phone.
"What?"
[Well, Good Morning too.]
"Okey, Good Morning Jeric, what do you want?"
[Ipapaalam ko lang sana si Marcus, He wants to learn to play guitar kaya tutal mamaya na ang concert, dun muna sya sa hotel namin, please? Gusto nya rin kasing makilala yung mga band mates ko]
"Siguraduhin mo lang na matututukan mo si Marcus"
[Of course! Si Marcus pa ba?]
"Okey-okey sige, i'll hung this na, kakain palang kami, at ikaw, kumain ka na okey?"
[Yes Ma'am! Bye! ]
-----"Wow!" Masayang wika ni Andrea pagpasok namin ng concert grounds.
"Ang daming tao Mom!" Manghang sabi ni Marcus habang inililibot ang tingin sa buong lugar.
"Excuse me po. Ticket please?" Sabi nung babae at ibinigay ko ang ticket namin.
"VIP Seat! Assistant please!" Wika ng babae at may lumapit na lalaking naka-itim.
"This way ma'am" Sabi nung lalaki at sumunod kami sa kanya.
"Mommy! Ganito po ba ka-sikat sila Ninong? Thousands of people are here." Manghang sabi ni Andrea at tumango ako.
"Well, ganun talaga" Sambit ko at nginitian silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Stay with Me [B2:LY]
General FictionBook 2 of Loving You. Mature and Romatic Scenes are here. Continuation of Ashley and Eugene Story Note: Pakibasa po muna yung Loving You para mas maintindihan ang story. :)