B2LY4

4.1K 110 1
                                    

[Eugene P.O.V]

"Hijo." Wika ni Tito Troy pero umiling ako.

"May karapatan ako sa mga anak ko" Sambit ko.

"Honey, kailangan ko na bang kausapin ang abogado natin?" Tanong sa akin ni Mom.

"Michelle? Papipiliin nyo pa ang mga bata?" Tanong ni Tito.

"No Mom, Hindi natin kailangan ng korte, I want my children and also my Ashley. Si Jeric ang dapat kong mapaalis dito. Sya yung nakaharang sakin at sa pamilya ko" Sambit ko.

"Not now Son, once na matapos ang mga plano ni Ashley pwede na. Im saying this dahil baka may plano kang iblackmail ang Ferreras, Ashley need their help at kailangan nya rin ng tulong natin" Sabi ni Dad.

"If you want my daughter back, Simulan mo na ang plano kung paano mo mapag- p- pull out lahat ng investors sa Bialza." Sabi ni Tito at ngumisi lang ako.

"Mabilis lang yun, kaya kong matapos in one week" Sambit ko.

"Hindi ganun kadali lahat Eugene"

"Monica!"

"Monica,.Are you okey? May masakit pa ba sayo?"

"Tita..."

" Im Okey. No worries." Ngiting sagot nya at tumingin sa akin.

"Madami pang gustong gawin si Ashley para sa companya, at hindi nya maisingit doon ang pagpapalit ng apilido. Oras na mapalitan ang surname nya Hijo, Madali na para sayo lahat para makuha mo ulit sya" Makahulugang wika ni Tita.

What does she mean with that?
-----
[Ashley P.O.V]

"He is our father kuya!" Napapikit na lang ako habang nagtatalo ang magkapatid.

"I know! But Come on Andrea! Wala sya dito nung panahong kailangan sya ni Mom! And then now maayos na tayo! We don't need him!"

"Kids. Enough." Awat ko at parehas silang lumapit sa akin.

"Mom, bakit po hindi na lang tayo bumalik sa States?"

"Mommy, I want to meet daddy please?" Pagmamakaawa ni Andrea.

"Ashley" Tawag ni Jeric sa akin at lumapit din sya.

"Alam mo, ako? Kahit ayoko, mas malaki yung side na kailangan din nilang makilala si Eugene." Paliwanag ni Jeric.

"Ninong? Ayaw mo na po bang maging dad namin?" Tanong ni Marcus.

"No Marcus, Im telling this dahil alam kong naguguluhan ang mommy nyo. And you, you also need to face the truth that Eugene is your real dad. Diba? I told you, ikaw lang ang lalaki sa inyo? Dapat habang little boy ka pa, dapat maging maayos lahat. Para kapag may nangyari, ikaw ang poprotekta sa Mom mo at sa kapatid mo" Pangarap ni Jeric kay Marcus pero umiling ito.

"I hate you Ninong! I hate you! Akala ko ba mahal mo si Mom! I hate you! Gusto mo na kaming ibigay dun sa Dad namin!" Sigaw nya at tumakbo.

"Marc--"

"Ako na Ashley. Isipin mo yung sinabi ko ha?" Sambit nya at sinundan si Marcus.

"Mommy, mahal mo pa naman po si Daddy diba?" Bigla akong napatingin kay Andrea ng nagsalita sya.

"Andrea..."

"Kung hindi nyo nanaman po mahal si Daddy, okey lang. Ang gusto ko lang po maranasan yung magkaroon ng totoong daddy" Wika nya at unti-unti akong naluha.

"Andrea... "

"Gusto ko pong malaman yung pakiramdam na may daddy ako. Magsisimba tayong lahat, may maghahatid at sundo sa amin ni Kuya sa school, kakain sa labas, pupunta sa amusement park, tatabi sa inyo sa gabi. I want to experience those thing Mommy. Lalo na sa tuwing family day. Gusto ko pong maranasan yung feeling na buo yung pamilya natin."

"Andrea, pwede naman. I'll try" Ngiting sambit ko at hinawakan nya ako sa pisngi ko.

"Mommy, we both know na sa kada therapy ko, napapagod na ko. Mommy, gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong mag-High School,---"

"Shhh... Don't say those thing Andrea. Hindi ka pa mamamatay, bata ka pa" Sambit ko at pinunasan ang luha nya.

"Sana po, sa next therapy ko, sana nandun si Daddy. Sana nandun kayong dalawa" Wika nya at tumango ako.

"Yes Baby, Andun kami ng Daddy mo." Pinilit kong ngumiti at niyakap sya.

"Thank You Mommy" She whispered in my ears

"Tigilan mo na yung panonood ng mga korea novela's Okey? nagiging madrama ka na. Kabata-bata mo pa" Natatawa kong sambit sa kanya at nagpout sya

"Can I join your huggies?" Pareho kaming napatingin kay Marcus ng nagsalita sya.

Jeric is smiling.

"Sure" Sambit ko at niyakap din sya.

"Mom, Ninong Jeric is right. Payag na po ko. And also, I want to meet daddy" sabi nya at tumango ako.

"*Ehem. Uhm, aalis na ko?" Sabi ni Jeric.

"Ninong Jeric, Why don't you join us?" Tanong ni Andrea at ngumiti sya.

Walang ano-anu'y yumakap din sya.

"But, what if Ninong Jeric is our daddy?" Parehas kaming natawa ni Jeric sa sinabi ni Marcus.

"Bahala na Marcus, ang mahalaga, andito ko para sa inyo, para sa mommy nyo" Sambit ni Jeric at ngumiti na lang ako.

"By the way, these are the tickets for our concert. And, may be after the concert na ko maka-uwi ha? " Sabi nya at tumango ako.

He kisses my kids and kiss me.

"Goodluck, basta manonood kami." Sure kong sabi at tumango sya.

Stay with Me [B2:LY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon