[Ashley P.O.V]
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang ang dalawa natutulog sa couch and Jeric -- I don't know.
Napapikit na lang ako ng mariin. It's happening again. Buntis ako. Kay Eugene. Ayoko ng pagdaanan yung mga napagdaanan ko noon sa kambal. Isang maling galaw ko lang. Pwede ng mamatay ang nasa sinapupunan ko.
Ilang beses akong dinugo noon. Ilang beses akong nanatili sa hospital at tinuturukan ng kung ano-ano para lang sa kalagayan ng babies ko noon.
Napatingin na lang ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa si Jeric na may dalang mga gamit.
"Gising ka na pala" Ramdam ko ang lungkot at pagkailang sa boses nya kahit na pinipilit nyang maging masaya.
"Jeric... "
"Uhm. I brought some fruits and foods. What do you want to eat?" Tanong nya habang inaayos ang mga dala nya.
"J-Jeric... I-Im s-sor--" Napatigil sya bigla at nilapitan ako.
"No Ash. You don't have to say sorry." Sambit nya at hinawakan ang kamay ko.
"I-I just want to know kung kailan nangyari?" Tanong nya ng hindi makatingin sa akin.
"Nung gabing lasing ako. Nung araw na sa bahay nila kami natulog. I-Im drunk that time Jeric. And--And I don't know w-what happened" sambit ko at ngumiti sya.
"I guess... He's right. That asshole is right. I need to do what is right." Sambit nya pero nagulat ako ng tumulo ang luha nya.
"J-Jeric... P-please..."
"Ashley... Mahal na mahal kita. Alam mo yun. Nahalos lahat kaya kong gawin pero... pero alam kong hindi tayo pwede kahit anong gawin ko..." Tumigil sya saglit at niyakap ako. "May be the real thing here is that you are made for him. Kahit anong gawin ko. Tadhana ang naglalapit sa inyong dalawa"
"Jeric... Please... Wag ganito"
"Mahal mo talaga sya. Mahal mo sya to the point na ilang beses kitang inalok magpakasal pero hindi mo tinanggap. May be I really need to accept the fact that you are for him. That Im just your bestfriend. Pero tatanggapin ko yun. Sana lang... Sana lang bigyan mo parin ako ng chance na makasama kayo nila Marcus."
In that moment I was frozen.
Jeric is my bestfriend. Simula noon pa man. Then when we met again hindi na nya ko pinabayaan. He really wants me to feel how deep is his love for me. And so sorry dahil pilit ko syang pinipigilan. He deserve someone na kayang suklian ang pagmamahal nya. Someone na alam kong magpapaligaya sa kanya. Someone who is not me.
"Jeric..." Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Ash... Do the right thing. Gawin mo kung anong alam mong tama para sa mga bata. At para sayo. Accept him Ash. Masakit para saking sabihin to' pero alam mo sa sarili mong mahal na mahal mo parin sya. Ash... Sa oras na gawin mo yun, magiging ayos ang lahat." Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy parin ang pagtulo ng luha nya.
"Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Pero hindi sapat yung pagmamahal ko para sayo. Hindi siya sapat dahil aminin ko man sa sarili ko o hindi, hindi ko mapapantayan si Eugene..."
"Promise me... Hindi mo ko iiwan. Hindi ka aalis." Malungkot na sambit ko at ngumiti sya.
"Of course. Andito parin ako sa tabi mo lagi. Hindi kita pababayaan. Kayo nila Marcus" Ngiting sambit nya at ngumiti rin ako.
"Tama na drama." Sambit ko na nakapagpatawa sa kanya.
"Silly. Hahaha" Tawa nya at natawa na rin ako.
"Nagugutom ka ba? What do you want to eat?" Tanong nya.
"Nah. Gusto ko lang magpahinga and umalis dito. I want to go home" Sambit ko at ngumuso.
"Sige, pupuntahan ko lang si Tita, and I will ask her kung pwede ka ng makalabas" sambit nya at tumango ako.
"Thank you Jeric" Ngiting sambit ko at ginulo nya lang ang buhok ko.
----
[Eugene P.O.V]Kanina pa ko nakasandal sa may gilid ng pinto at narinig ko ang lahat ng napag-usapan nila.
I envy that Ferreras. Kinaiinggitan ko sya dahil kayang-kaya nyang lapitan si Ashley kahit anong oras.
"Hindi ako tanga para hindi ko mapansing kanina ka pa andyan." Napa-dilat ako bigla at nakita ko syang nakatayo sa harapan ko habang nakapamulsa. Ts.
"Do you want me to say thank you to you? Huh?" Mapait na sambit ko at ngumisi sya.
"I did the right thing. Sana ganun ka rin. Hindi sa sinasabi kong sinusuko ko sya. But... I said that to her dahil sobrang mahal ko sya para hayaan syang mapunta sayo dahil alam kong yun ang tama."
I don't know pero bigla akong nawalan ng salita.
"Oo Eugene. Oo galit sayo si Ash. Pero mahal ka nya. Mahal na mahal. Kahit anong galit nya sayo, mawawala rin yun dahil mahal ka nya. Eugene. Payong Bestfriend ni Ashley. Please, ako na yung magmamakaawa sayo. Please. Wag mo ng mas pahirapan at saktan pa ang mag-iina mo. They need you. The kids. And Ashley. Gustong gusto ko na silang angkinin pero ikaw yung may mas karapatan. Ama ka ng mga anak nya. "
Hindi ko mahanap ang tamang salita pero nagulat ako ng bigla nya akong suntukin sa tyan at sa pisngi.
"Hindi sapat yung sakit na yan. Pero tang*na! This time wag na wag mo na silang sasaktan!"
Agad kong pinunasan ang dugo sa bibig ko at nakita ko na lang syang naglalakad palayo.
"Hoy! Ferreras!" Sigaw ko at humarap sya sakin.
"Best Man ka sa kasal namin!" Ngisi ko at ngumiti sya. Ngiting alam kong sobrang sakit pero masaya.
"Geh!" Sagot nya at nagthumbs up at naglakad palayo.
"Thank you Ferreras. Thank you for doing this thing. You really love her that much. Salamat. Salamat Jeric. Hindi mo pagsisisihan yung ginawa mo. Thank you."
BINABASA MO ANG
Stay with Me [B2:LY]
General FictionBook 2 of Loving You. Mature and Romatic Scenes are here. Continuation of Ashley and Eugene Story Note: Pakibasa po muna yung Loving You para mas maintindihan ang story. :)