Chapter 17

20.3K 458 7
                                    

Jenny's POV

Di ko mapigilan ang panginginig ko habang papalapit na kami sa bahay ni Jake. His left hand was on the steering wheel while the right was holding my own cold hands.


"Jen, kahit ayaw sayo ni mama, di naman siya nanakit physically. Wag ka nang matakot. At kahit anong sabihin niya, ikaw pa rin pipiliin ko. So calm down."


Pilit akobg pinapakalma ni Jake. Pero kahit anong sabihin niya, di niya pa rin ako mapigilang kabahan. It's been weeks since we got back to the city pero ngayon pa lang namin haharapin ang mga magulang niya.

Nang makarating na kami ay agad niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Their house looked so intimidating.

Agad binuksan ni Jake ang pinto at hinatak niya ako papuntang second floor ng bahay. Tumigil kami sa labas ng isang kwarto na may double doors. Kumatok siya dalawang beses at binuksan yun. Naramdaman ko ang panlalamig ang panginginig ng kamay ko kaya hinigpitan ni Jake ang hawak niya.

Tila hinihintay kami ng mga magulang niya dahil agad naibaba ng daddy niya ang papel na binabasa at nahanda ng mama niya ang nanlilisik ang mata na natutok sa akin.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" tanong ng mama niya na tila sinasadyang takutin ako.

Napansin kong sinamaan ng tingin ng papa ni Jake abg mama niya. "Napag-usapan na natin to Amelia. We are not interfering in his decisions anymore. Para san pa't hinayaan mo siyang bumukod kung kokontrolin mo pa rin?" tila naiinis niyang sabi.

"Yes we talked about this but I never said I agreed to whatever you did say." May galit na rin sa boses niya kahit ang papa ni Jake ang kausap niya. Binaling niya ulit kay Jake ang tingin niya. "Choose. The hotels or that woman?"

Napanganga ako sa tanong niya. Is she serious? Aalisan niya ng mana si Jake? Napatingin ako kay Jake. He was still unaffected by his mother's threats.

Ngumisi lang ang papa niya na tila di naniniwala. "You can't do that Amelia."


"And why not?" taas kilay niyang tanong.


"Because he signed them over to me already," ngumisi na rin si Jake. Nanigas ang mama niya sa kinauupuan nito. "That's right mom. Your threats won't work on us anymore."


"What? How could you?" she demanded angrily as she stood up to put emphasis on her indignation. "Nakakalimutan mo na bang ang pamilya ko ang totoong may-ari ng mga hotel na yun?"


"Yes but only by history and by name. Baka nakakalumitan mo rin na palubog na ang kompanya niyo nang binili ko ang majority ng shares at iniahon pabalik yun. Without me, your hotel chain would've gone bankrupt. And remember how you begged me to marry you so that you wouldn't be humiliated in society and you wouldn't go hungry? Sino na sa inyo ngayon ni Jenny ang gold digger?"


I can't believe what I just heard. If Jake's parents treated each other like this, I wonder how they treat him.

Humigpit na naman ang hawak ni Jake sa kamay ko. "I only came to let you know we're getting married three weeks from now. She's pregnant at di na ako makapaghintay. I'm not expecting your blessing or anything. Pwede kayong pumunta kung gusto nuyo. I don't care either way," dirediretso niyang sabi na para bang gusto niyang ilabas lahat sa isang beses lang.


Agad tumayo at lumapit sa amin ang papa niya. "Of course I'll be there it's not everyday my son gets married," he said as he tapped Jake on shoulder.

Sabay kaming tatlo napalingon sa mama niya na natahimik at tila natulos sa kinatatayuan. Sinamaan niya kaming lahat ng tingin at nagwalk out. "Hayaan mo na ang mama mo. She feels as if inaagaw ka ni Jen sa kanya." Sabi niya nang nakangiti. Bumaling siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Congrats and welcome to the family. How far are you along?"


"Almost eight weeks na po," nahihiya kong sagot.

"Well, Andrew and Cecilia must be happy for having another grandchild," natutuwa niya naman sabi.


"Sa totoo lang po, di pa nila alam," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Kayo po ang una naming sinabihan dahil mas malapit ang bahay kesa sa bahay nila. Pupunta rin kami dun ngayon," sabi naman ni Jake.

Tumango tango naman ang papa niya. "Well then, that's good. I bettet go, kakausapin ko pa mama niyo," naiiling niyang sabi. "Alam mo namang di ko yun matiis kahit ganun. Sumobra lang talaga siya kanina" sabi pa niya kay Jake.

Tumango lang kami at sabay na kaming lumabas. So kahit pala ganun simula nila mahal pa rin ng papa ni Jake ang mama niya. Ang swerte naman ng babaeng yun, kahut ganun ang ugali, di pa rin siya matiis ng papa niya.


Mabuti na lang at nagmana si Jake sa papa niya. Di rin ako magawang tiisin ng gagong to eh.

Author's Note:
Nag-aaral ako dapat ngayon para sa quiz eh. Pero dahil nasagutan na lahat activity sa book, wala na akong mapagpractisan. Kaya heto, tinapos ko na lang to. Epilogue to dapat pero ang pangit diba kung eto epilogue? Cliche na panigurado ang epilogue, susunod na chapter. Sisimulan ko na type. Hahaha baka bukas ng hapon mapost. But I'm not promising anything. Thanks for reading and waiting guys. :)))))

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon