Chapter 7

18.4K 443 11
                                    

Jenny’s POV

                Nagliligpit na ako ng gamit sa locker room namin mga empleyado nang biglang nagvibrate ang phone ko.

My office. Now!

                Text ni Jake. Anong akala ng gago sa akin? Aso na susunod sunod sa lahat ng gusto niya? For all I know, gusto lang nun binyagan ang opisina niya. There’s no way I’m letting him use me that way. Patuloy ako na nangbihis at inilagay ang iba ko pang gamit sa bag.

                Patuloy na na nagvibrate ang phone ko. Tumatawag na pala ang kumag. Walang gana kong sinagot ang tawag. “Ano?” singhal ko.

                “Kanina pa ako nagtext sayo. Ba’t wala ka pa? At ang tagal mong sagutin ang phone mo? Asan ka ba galing?” dirediretso niyang tanong. Akala mo naman, girlfriend niya tinatanong niya. Sa pagkakaalam ko, fubu lang kami. Kaya anong kinakainis niya?

                “Pwede ba? Di porke’t pinagpahinga mo ako nung day off ko mula diyan sa kahalayan mo, ibig sabihin, okay na ako. Lalo mo lang kaya akong pinagod sa pagpunta natin dun. Kaya magtiis ka muna diyan. Uuwi muna ako sa condo ko ngayong gabi. Bye!” inis kong sabi.

                Di pa kami nagkikita mula nung ihatid niya ako sa condo galing dun sa country club niya. Di ko pa rin nakakalimutan ang pagkarinig ko sa mga bulong bulungan tungkol sa kalandian ko. Pakialam ba nila kung ako ang kasakasama ni Gelo parati? “Ano bang problema mo? May gusto lang sana akong itanong,” depensa pa niya. “Mamili ka, kusa kang pupunta dito o susunduin kita?” banta pa niya.

                Napairap na lang ako sa kawalan. Langhiya talaga! “Bwisit ka! Alam mo yun?” bulyaw ko. Nagmadali akong tapusin ang pagliligpit ng gamit at agad akong pumunta sa opisina niya ng patago. Mabuti na lang at malayo ang opisina niya sa ibang opisina dito sa hotel kaya wala akong makakatagpo na ibang empleyado.

                Pagkarating ko sa kanyang opisina ay nakaabang na pala siya sa may pinto. Agad niya akong tinulak upang mapasandal ako sa pinto. Nakahawak ang isa niyang kamay sa dalawa kong kamay at nilock niya ang pinto gamit ang isa pa niyang kamay. Sinimulan niya na akong halikan sa leeg at isa isang inalis ang pagkakabutones ng blouse ko.

                “Jake, ano ba?! Sabi mo may itatanong ka lang?” inis kong sabi sabay tulak sa kanya.

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon