Chapter 2 part 1

29.2K 508 3
                                    

Jenny’s POV

                I can’t believe I’m doing this right now. Ever since nagkabati kami ni Ria, kung anu-ano na lang pinaggagawa niya sa akin. Nagbibihis ako ngayon para sa isang charity ball. Sa isang charity ball na igaganap sa hotel nila Jake. I can’t help but wonder, may galit pa ba si Ria sa akin? To think, she’s selling her own stepsister. Pakiexplain nga paano ako napapayag nang babaeng yun dito?

FLASHBACK

                “Hello Ri?” sagot ko ng magring ang phone ko. Ano kayang kelangan ni Ria. Minsan na lang naman to siya tumawag since nag-aral ang mga anak niya at siya na namamahala sa foundation nila. Mabuti lang at kusnag binigay sa kanya ni Mommy ang responsibilidan ng pagpapatakbo ng foundation.

                Kakauwi ko lang mula sa trabaho. Mabuti sana kung madali lang trabaho ko, pero simula ng sinabi ni Jake na family friends kami, para akong pinag-iinitan ni Chef Don at Ella. Bigla ring nanlamig sa akin si Pierre. Friendly naman siya sa akin dati eh, pero ngayon, halos di na ako pansinin.

                “Oh. Ano na naman kailangan mo?” iritado kong tanong. Sanay naman si Ria sa pagsusuplada ko. Mukhang natutuwa pa nga siya nang malaman na marunong akong mamilosopo.

                Napatawa ng mahina si Ria sa kabilang liinya. “Paano mo nalaman na may kailangan ako?”

                “Kasi tumawag ka?” maikli kong sagot.

                Pati ang buntong hininga niya ay rinig na rinig ko kaya alam ko umaarte naman siya. At pag ganyan kabigat ang pag ginhawa niya, sigurado akong di ko magugustuhan ang ipapagawa niya. “I want you to help me out with a charity event. May auction kasi at gusto kong sumali ka,” dahan dahan niyang sabi na parang pinag-iisipan ang bawat salitang binitawan niya.

                “So?” pagmamaangmaangan ko.

                “So, kasali ka sa ibebenta sa auction. Don’t worry, marami naman kayo,” sabi niya. Kahit si ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya habang sinabi yun.

                “What? Ri you can’t do this to me!” nabigla kong sigaw.

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon