Chapter 8

19.7K 478 9
                                    

Jenny’s POV

                Di pa rin naalis sa isip ko ang huling pagkikita namin ng mama ni Jake. I know where she’s coming from. If I was in her place, I doubt I would have acted differently. Tanggap ko naman na ang layo namin ni Jake kung estado sa buhay ang pagbabasehan. He’s family’s name and wealth can be traced back generation upon generation. Compared to him, I’m nobody. Oo, kilala ang  angkan nina mommy sa probinsya pero kumpara kina Jake, walang wala kami. Ayaw kong matulad kay mommy na di tanggap ng mga taong nakakahalubilo niya. Ang hirap kayang makipagplastikan.

                Siguro oras na para tigilan ko na tong pag-iilusyon ko. Kasalukuyan akong naghihintay na dumating si Jake. Di siya  nagsabi o nagtext man lang na matatagalan siya ng uwi. Sa kanyang condo ako dumeretso ngayon dahil kelangan na naming tapusin ang kung ano mang meron kami. Tangina! Nasan na ba yung gagong yun? I want this over and done with. Gusto ko nang ibalik sa kanya lahat ng binigay niya sa akin. Kung pwede lang pati alaala, ibalik ko.

                Napansin kong gumalaw ang doorknob sandali. Parang nahihirapan man ang kung sinong nasa labas ba pumasok dahil di man lang mabuksan ng maayos ang pinto. Agad akong tumayo para tingnan kung sinong nasa labas. Pagbukas ko, agad na pumasok si Jake na hindi nakakalakad ng maayos. Anong problema ng gago at naglasing siya?

                “Huy, kaya mo pa ba?” nag-aalala kong tanong. Ano ba naman to, kung kelan kelangan ko siyang nakakapag-isip ng matino, uuwi siyang lasing? Bwisit naman oh! Tumingin siya sa akin saglit at agad na umupo sa sofa. Ilang beses siya muntik na matumba.

                Humarap siya sa akin ng ilang sandali bago napayuko at napahawak sa ulo niya. Pumunta na lang ako ng kusina para timplahan siya ng kape. Pagbalik ko, nakasandal na siya sa couch at parang nakahiga na ang posisyon ng ulo niya. Inilapag ko sa lamesa ang kape. Narinig niya siguro ang kakaunting ingay na ginawa ko kaya napatuwid siya ng upo. Kinuha niya ang tasa at humigop saglit ng kape.

                “Thanks,” pasalamat niya ng di tumitingin sa akin. Kinuha ko ang bag ko sa gilid niya at inilabas mula dun ang susi ng condo na binigay niya. Pati na rin ang bracelet na napagtripan niya lang bilhin para sa akin dahil bagay raw. “Ano to?” naiinis pero nagtataka niyang tanong. Alam ko na na problemado siya at ayaw ko sanang dagdagan yun. Pero ayaw ko na ring ipagpaliban to. Mas masasaktan lang ako at mas magagalit lang siya.

                “Sinasauli ko na,” kalmado kong sabi na di tumitingin sa mukha niya. Baka masabi ko pang nagbibiro lang ako para lang di ko siya mabitawan.

                Nangunot ang noo niya na tila mali ang narinig at inuulit niya sa isip niya ang sinabi ko. “I think I heard it wrong. Pakiulit nga,” pakiusap niya. Tingnan mo na. Tama nga ako.

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon