Chapter 1

38K 599 8
                                    

Jake’s POV

                “So Jake, I want to remind you that this is only the start. After a year, kung maayos mong mapatakbo tong hotel, ay ipapangalan ko na sayo ang iba pang hotels and resorts natin. And after two or three more years, ipapangalan ko na sayo ang lahat ng properties natin pati na ang mga shares ko sa iba’t ibang kumpanya,” litanya ni Dad. Ilang beses na niya ba sinabi sa akin yang mga linyang yan? Halos kabisado ko na eh. I can’t blame him though. It must be hard for anyone to give up all his hard earned wealth, even to his own son. Nagsimula lang kasi sa isang simpleng resort si Lolo, si Dad na nagpalago ng lahat. The hotels are from my Mom’s side of the family pero si Dad pa rin ang nagparami.

                “Yes Dad, you’ve said that many times already,” sabi ko sabay tango. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa hotel. Di ko talaga alam ba’t parang nagmamadali si Dad na iwan sa akin lahat ng ari arian niya. Kakagraduate ko nga lang, pagtatrabahuin niya na ako.

                Tinapik niya lang ako sa balikat tsaka nginitian. “Okay, since kilala mo naman ang assistant manager at iba pang taong kailangan mong makilala, iiwan na kita. Your mom is waiting in the lobby. You know she hates being kept waiting. Alam mo na ang gagawin mo diba?” tumango lang ako. “Okay then, see you.”

                Matapos nun ay umalis na talaga siya. He already gave instructions to the staff and to me. Ang una ko daw gagawin ay tingnan ang kitchen at ang mga bagong chef.

Jenny’s POV

                Nakakapagod rin pala. It’s been a week since I started working and I’m not sure if I should be happy or not. I’m working as a chef in one of the best hotels in the country and under one of the most renowned chefs in this side of the world. Pero di ko inaasahan na ganito pala kahirap. Sobrang strikto ni Chef Don. Di ko talaga maintindihan paano siya natagalan ng mga tao dito. Konting mali lang sa presentation ay mamamatay ka na sa mga insulto niya.

                “Jenny, Pierre, Ella, sumama muna kayo sa opisina,” bigla niyang utos sa amin. Ano bang kasalanan namin? Nakita ko ang takot sa mga mata ni Ella. Si Pierre naman ay tila pinipilit na pakalmahin ang sarili niya.

                Tahimik kaming sumunod kay Chef Don. Pumasok kami sa isang opisina pero di ako sigurado kung kanino ito. Nasa loob ang assistant manager ng hotel at isang lalaking nakatalikod pero pamilyar pa rin. Please tell me mali ang hinala ko. Please tell me hindi si Jake ang kausap ng  assistant manager.

                Biglang hinarap kami ng assistant manager na si Sir James. “Everyone, I want you to meet the new manager, Mr. Jacob Escaler. Siya rin ang tagapagmana ng hotel na ito,” pagpapakilala niya. My God. How could I have missed the fact that his family owns this particular hotel?

                Napasinghap naman ako habang si Ella naman ay kulang na lang ay mahulog ang panga sa sahig. Lumapit sa amin si Jake at isa isa kaming kinamayan. Ngiting ngiti si Ella na tinanggap ang kamay ni Jake habang si Pierre naman ay halatang nalilito. Nabigla yata nga sobrang bata pa ng manger. Blanko lang ang mukha niya ng ako na ang kinamayan niya. “Nice to see you again Jen,” mahina niya sabi.

                Tumaas naman ang kilay ni Chef Don at ni Sir James pero tahimik lang si Chef Don. “You know each other Sir?” tanong ni Sir James kay Jake.

                “Yes, we….re family friends,” he said vaguely. Alangan ba namang sabihin niya ang totoo? Na ako yung kauna unahang babaeng binasted siya? Sinong babae na man ba ang nasa matinong pag-iisip ang tatanggi sa isang Jake Escaler diba?

                “Shit,” rinig kong napamura si Ella. Ewan ko ba sa babaeng to pero simula ng matanggap ako dito, parang kinakalaban niya ako. Ano kayang problema niya sa akin?

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon