Chapter 5

22.4K 494 10
                                    

Jenny’s POV

                Kakatapos lang namin maging busy dito sa kusina. Alas dos na kase at wala na masyadong kumakain. I gladly took my break outside the hotel. Di ko maialis sa isip ang nangyari sa amin ni Jake dalawang gabi ang nakakaraan. Unti unting bumalik sa akin kung anong nangyari sa amin nung lasing ako. Mabuti na lang at nagawa ko siyang iwasan nitong mga araw. Di ko alam paano siya haharapin.

                Di ko namalayan na nakasunod pala si Ella at Pierre sa akin. May sigarilyo sa pagitan ng mga labi ni Pierre. Di ko alam na naninigarilyo pala ang isang to. Tumabi sila sa akin. Ewan ko lang ba’t nandito si Ella. Mainit kasi dugo nito sa akin ewan ko bakit. “Alam mo Jen, di ko alam ba’t nagtatrabaho ka pa dito. Pwede ka namang magpakasasa sa pera ng tatay mo diba?” tila naiinggit niyang tanong.

                “Patay na tatay ko Ella. Kung ang ibig mong sabihin ay pera ng stepfather ko, di ganun kalaking halaga ang kinukuha ko sa binibigay niya. Ayaw kong umasa sa kanya dahil di naman kami magkadugo. Di siya obligadong sustentohan ako,” inis kong sabi. Saan kaya niya nalaman na may pera ang tinuturing kong pamilya. “Paano mo ba nalaman na may kaya pamilya ko?”

                “May kaya? Nagpapatawa ka ba? Sobrang yaman ng tatay mo at ng brother in law mo. Kaya pala kilala mo si Sir Jake. Tsaka nakita kita nung party dito sa hotel dalawang gabi nang nakakaraan. Date mo pa na si Sir Jake eh,” naiinggit na talaga niyang sabi. Tama nga hinala ko, may gusto talaga siya kay Jake. Siguro dahil mayaman at gwapo ito. Pero alam kong ang mas gusto niya kay Jake ang pagiging mayaman nito.

                “Pwede ba Ella, kung mayaman man si Jenny, wala ka ng pakialam dun. Kung boyfriend man ya ang tagapagmana nitong hotel, wala ka na ring pakialam dun,” sabat naman ni Pierre. Naiistorbo na siguro sa amin ni Ella.

                Huminga ako ng malalim para kumalma. Nauubusan na ako ng pasensya kay Ella. Simula nung ipakilala sa amin si Jake bilang susunod na may-ari ng hotel, mas lalo siyang nainis sa akin. Di ko naman na magkilala kami. “Tigilan niyo na nga ako. Di ko boyfriend si Jake. Magkaibigan lang sila ng brother in law ko kaya kami magkakilala.”

                Di ko mapigilang magwalk out. Tinalikuran ko sila at bumalik na lang sa kusina. Nabigla ako nang inabutan ko si Jake dun. “Sumama ka sa opisina ko. May kailangan tayong pag-usapan,” utos niya. Gust o siyang suwayin pero ayokong makita ng ibang empleyado na sinusuway ko siya dahil baka kung ano na lang isipin nila sa akin.

                Tahimik akong sumunod sa kanya. Akala ko madali lang makalimutan ang nangyari. Pero di pala.

Jake’s POV

                Tahimik na sumunod sa akin si Jenny. Alam kong pinagtitinginan kami ng ibang empleyado. Nagtataka siguro ba’t magkasama ang isang sous chef sa anak ng may-ari. Dinala ko siya opisina at sana, wala biglang mangangailangan sa akin.

                Pumasok kami sa opisina at bigla ko na lang siyang tinulak para makasandal sa pinto. “Jake ano ba?” galit niyang tanong. Inilapit ko ang mukha ko sa may leeg niya at sinimulan siyang halikan dun.

                “Di ko kaya Jen. Akala ko kaya kong kalimutan na lang ang nangyari sa atin pero di pala,” bulong ko sa may tenga niya. Bago pa siya makaangal ay dali dali ko nang inalis ang pagkakabutones ng uniform niya at siniil ng halik ang kanyang lani.

Jenny’s POV

                What the hell just happened? Bakit ko hinayaang gawin sa akin ni Jake to? At bakit ang dali lang aminin na ginusto ko rin ang nangyari? Nasa opisina pa rin ako ni Jake at alam kong lumampas na ako sa break ko.

                Hindi ko pa nagawang magbihis. Ang tanging suot ko lang ay polo niya. “Jake, bakit?” tanong ko bigla.

                “Anong bakit?” tila naiinis niyang tanong. Nakaupo lang siya sa swivel chair niya habang ako naman ay nasa upuan sa harap niya. I wonder if he really dragged me here for a quickie or he really intended to talk to me.

                Di ako makatingin ng diretso sa mata niya. “Ba’t mo ako dinala dito? Sabi mo mag-uusap tayo pero iba nangyari,” nahihiya kong sabi.

                “Gusto ko talagang mag-usap tayo pero…” di niya natapos sasabihin niya. Napahilot siya sa sintido niya. “Di ko alam anong nakain ko at bigla kong nagawa yun. I’m sorry,” sabi niya.

                This the first time I heard him apologize. Mahirap para sa kanya ang humingi ng paumanhin. Mataas kasi pride niya, at mahirap para sa kanya na lunukin yun. “You don’t need to apologize, I didn’t exactly fight you off,” nahihiya kong sabi.

                Biglang may kumatok sa pinto niya at nagkatinginan kami. Shit. Agad kong hinubad ang polo niya kahit underwear ko lang ang suot ko. “Pumunta ka ng CR,” utos niya. Dali dali kong kinuha mula sa sahig ang nagkalat kong damit.

                Lumakas ang pagkatok sa pinto. “Jake, nandyan ka ba?” sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas.

                “Damn it. It’s Tristan,” he muttered. Tinulungan niya akong magbihis at hinalikan ng mabilis. “Sa CR ka muna. Tatawagin na lang kita kung wala na siya,” sabi niya.

                “Pero ang trabaho ko?” angal ko.

                “Wag mo munang isipin yun, basta magtago ka muna.”

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon