Chapter 9

18.6K 446 18
                                    

Jenny’s POV

                “Jenny, someone wants to talk to you. Go to my office,” sabi ng manager bigla. Napatango na lang ako. Agad akong naghugas ng kamay at pumunta sa kanyang opisina. Kumatok ako ng dalawang beses. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang naiinip na ina ni Jake. Shit!

                “Good morning po,” bati ko. Kahit labag sa kalooban kong magbait baitan sa kanya. “Gusto niyo raw po akong kausapin?”

                Iniripan niya lang ako na para bang sobrang bobo ng tanong ko. “Why else would I ask you in here? The chef said you’re the most impressive student he has trained. Since he can’t manage providing me what I requested, I guess I’ll have to make do with you. Gusto kong ipaghanda mo ako ng romantic dinner for two. For my son and the girl I want for him,” walang abog niyang sabi. Hindi ko alam para saan talaga tong dinner na hinihingi niya. Kung para ba talaga kay Jake or para ipamukha niya sa akin na wala akong pag-asa sa anak niya.

                “Sige po. Ako na po bang bahala sa menu?” magalang kong tanong. Tumango lang siya.

                “Make sure everything’s ready by tomorrow at seven pm or else,” she added sarcastically and I just nodded. Agad niya rin akong nilampasan at lumabas na ng opisina.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                Tahimik lang akong nakaabang sa di kalayuan kung saan ko sinet up ang hapunan ni Jake ang ng babaeng nagngangalang Margaux  dela Rosa. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ko dito. Sinigurado kong walang mangyayaring hindi ayon sa plano. Pero ang sabi ng mama ni Jake, kailangan daw nakabantay ako sa kanila para siguraduhing perpekto ang lahat.

                But we both know she wanted me in here so I could face reality. Also, I’m sure she made Jake aware of my presence in the background. I can see Jake trying to entertain and charm Margaux. And I can see that Jake doesn’t really have to try very hard. Ngiting ngiti ang babae habang kitang kita ko sa mukha ni Jake na pilit ang ngiti niya.

                Di nagtagal ay natapos rin silang kumain. Halatang nasiyahan ang babae. Agad silang tumayo at inalok ni Jake ang braso niya kay Margaux at kumapit rin agad siya. Bago pa sila makalayo, nakita kong tumalikod sandali si Jake, para siguro tingnan kung nandito pa ako.

                Nang makalayo na sila, agad akong pumunta sa mesa at niligpit ang pinagkainan nila. Pero di ko mapigilan ang luha. God! I never thought a broken heart hurt this bad. When Jake said he loved me, I didn’t care if he was lying or not, I never expected him to still care for me anyway. But seeing him with someone else, someone more suitable than I could ever be, damn it, saying it hurts is a fucking understatement. Ang sakit maipamukha sa akin na kahit anong gawin ko, hindi ako karapat dapat para sa isang tulad niya. It’s like having something you always wanted within reach, but knowing it could never be yours.

                I put plates on top of each other while wiping my eyes with the back of my hands. Nang biglang may humawak sa balikat ko, agad akong napalingon. Nakita ko ang naaawang mukha ni Pierre. Inabot niya sa akin ang panyo niya at aga dko yun tinanggap para ipunas sa luha ko. Niyakap niya ako at patuloy na lang akong humikbi sa kanyang balikat.

                “Ssshhh… it’s okay. You’ll get him back. If not, you’ll move on,” he murmured. Then after a long pause, added, “sooner or later.”

                “Alam mo ang tungkol sa amin?” tanong ko sa kanya.

                Tumango lang siya at inilayo ako ng konti sa kanya. “Nakita ko kayo nung charity ball ng kapatid mo. Sabay kayong dumating at umalis. Nakita ko rin kayo isang beses dito. Nakaakbay siya sayo,” paliwanag niya.

                Napangiti ako ng konti. Naalala ko rin yung panahong yung. Sobra saya ko nun. Alam ko naman dati pa na walang patutunguhan ang relasyon namin ni Jake. But it didn’t stop me from falling harder for him. Knowing and accepting the reality of our situation doesn’t make the pain I’m feeling any less painful.

                “Jen,” sabi ng isang boses sa di kalayuan. Napalingon kami bigla ni Pierre sa pinagmulan ng boses. Naglakad palapit sa amin si Jake at mukhang hindi siya nasisiyahan sa inabutan niya.

                “Good evening sir,” magalang na bati ni Pierre kay Jake. Jake just glared at him.

                “Umalis ka muna,” utos ni Jake na halatang nagpipigil ng galit. Sumunod naman si Pierre pero bago siya umalis, pinisil muna niya balikat ko at nginitian ako. Nang nakaalis na siya, agad akong binalingan ni Jake ng titig niya. “What the hell was that? Tumalikod lang ako sandali, may kayakap ka ng iba? I thought better of you,” he said angrily.

                “I don’t give a damn about what you think of me. Wag kang umasta diyan na di ikaw ang may kalandian kanina dito mismo sa lamesang to kanina,” inis kong sabi. Tumalikod ako at tinuloy ang pagliligpit ng pinagkainan nila.

                Bago ko mailagay sa cart na ginamit kanina para dalhin ang pagkain ang mga pinggan, naiharap na niya ako sa kanya at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat. “Alam natin pareho na di ko ginusto ang nangyari kanina Jen. Why won’t you give us a chance? Why won’t you even try to fight for us?”

                “There was never really an us Jake. And there never will be an us.”

Author's Note:

I know. This chapter is what? 2 months overdue? Sorry for the long wait. Happy New Year guys :) 

Ms. Perfect & Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon