9

663 59 90
                                    

When Bong saw the three on stage, he decided to walk away.

Tatalikod na sana siya para umalis ng bigla niyang narinig si Sara.

Ayan ito na talaga, ok na.. salamat sa napaka supportive na bestfriend kong Vice Mayor.
Pakihawakan nalang muna yang inaanak mo ha!
magtatrabaho lang ako at pakitawagan na din ang pinakamamahal kong asawa.

Sabihin mo na nagwawala na ang anak niya dito. Pag di pa siya dumating within an hour, may matutulog talaga sa labas.

Pabirong sabi ni Sara kay Binsot na naka mic.

Tawang tawa na naman ang mga tao pati si Binsot tumawa na din sabay thumbs up at sabing

Yes ma'am! Ito tinatawagan na.

When Sara heard him, she quickly said.

Ok good! Now moving on..

At sa wakas nakapag salita na din siya ng tuloy tuloy.

Bong stood there in shock.

Hindi siya makapaniwalang hindi naman pala si Binsot at Sara ang nagkatuluyan.

Pinakamamahal na asawa? Who could it be?

Curious na naitanong niya sa sarili niya.

So he decided to wait a littile longer to see the guy that Sara married.

At dahil nakaharang siya sa entrance, nagulat siya ng biglang may nakasagi sa kanya.

Ay sorry sir. Pasensya na nagmamadali lang.

Sabi nito sa kanya bago nagmadaling pumunta sa harap.

Bong didn't think much of it not until Sara spoke again

Hay salamat, andito na din si Mananses! Dy, pahawak muna kay Ella or better yet dalhin mo na sa hotel room. I'll be there soon.

Seryosong sabi ni Sara.

When the crowd heard her, bigla naman siyang tinukso.

Unang nagsalita si Sen Revilla.

Oi pre akyat na daw dali at susunod daw siya agad.. ayiiiiieee baby boy na yan!!

Tukso nito at gumaya naman ang iba.

When Sara heard the crowd, bigla siyang namula.

Her face turned bright red pero dahil nagtutuksuhan na nga, sinakyan nalang niya.

Shhh.. wag kayong maingay baka ma jinx.. ilalaban natin ang baby boy na yan! Ninang at ninong kayong lahat ha..

biro niya sa mga ito.

Ang cute ni Sara, halatang nagpipigil ito ng hiya at kilig.

Well anyway, tama na yan! Let's continue..

Pagkatapos ng narinig at nasaksihan ni Bong sa stage, para siyang biglang nabingi at wala na siyang naririnig sa paligid niya.

His eyes just followed Mans and Ella.

Karga karga ni Mans ang bata habang nakahiga sa balikat nito at inaantok.

For some reason nakaramdam siya ng konting kirot.

Sa pagsunod niya ng tingin sa dalawa, nakita niya ang mga ito na papalapit sa kanya para lumabas ng venue.

While Mans was walking, kinakausap nito si Ella.

Ellie girl, are you tired?

Sumagot din naman agad ang bata.

Opo daddy super tired. I love you daddy I missed you so much.. ba't mo ba kasi ako iniwan? Saan ka galing daddy ko?

Malambing na sabi ni Ella kay Mans.

And just like that, parang bumalik ang pandinig ni Bong when he heard Ella and Mans.

At nung papalabas na ang dalawa sa venue, saktong nagkatinginan si Bong at Ella.

He looked at the little girl na bigla namang ngumiti at kumaway sa kanya habang nakasandal ang ulo kay Mans.

Di niya maintindihan kung bakit pero parang nasaktan siya nung malaman na hindi si Binsot ang napangasawa ni Sara.

Idagdag mo pa ang cute na anak ni Sara na si Ella na hindi niya maalis sa isip niya.

What is happening here?

Tanong ni Bong sa sarili as he watched Mans and Ella walk away.

Author: Mandatory song cover baka lang may clue sa lyrics 😉

When We Were Young (GC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon