Chapter 38• Changed

67 6 1
                                    

Thank you po sa patuloy na pagbabasa nitong story ko. Hahahaha kahit wala pong fan to, KERI LANG. Thank you kila @NyxJazz, @Jazt_Ine_Simple_40 at @lovelylikegirl na nagsisilbing inspirasyon ko dito. Hahaha thanks a lot guys! Vote and comment please penge! (DESPERADA KA TALAGA KRIZEL!)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 38• Changed

Justine's POV

WAAAAAAHHH!!! I MISS YOU GUYTH!!! ANG TAGAL KONG NAWALA!!!! WAAAAAAHHH!!

(Krizel: Justine wala kang kupas! Ang daldal mo pa ring gaga ka!)

Hmmmpp... ang sama mo Krizel! Porke may Dale na!!

(Krizel: Huy tung unu ang daldal mo talag---)

Tama na! Eksena eh POV ko to!!

By the way hello nga pala ulit. JUSTINE MAKAYLA ARELLANO HERE!! Hihihihihi. Kasama ko ngayon si Dave. Actually nagmomove on ako ngayon eh. Mula nung mangyari yun kila Clarrissa at Jake. Haayyy. Nasasaktan pa rin talaga ako. Ang hirap. Mula nung araw na nagkasama kami ni Dave sa mall (remember Chapter 27?) Araw araw na din kaming naghahang out. At umamin na sya sakin ng tunay nyang nararamdaman.

Flashback...

"Hey!! What's with the sad face??" Tanong nya sakin. Tumalikod na lang ako para hindi nya makita yung pagsimangot ko.

"Tsk. Sabi ko na nga ba you're crying na naman eh. Stop that."

Ako?? Naiyak??

Kinapa ko yung pisnge ko. Oo nga may luha. Tsk stupid tears. Oo aaminin ko nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Jake sakin. Alam ko walang kasalanan si Jake sakin dahil hindi naman kami at hindi naman ako umamin agad sa nararamdaman ko. Kung umamin kaya ako nung una pa lang kami kaya ang magkakatuluyan?

Maganda naman ako, mabait, medyo matalino na rin kahit papaano. Sexy. Haaayy conceited na kung conceited pero totoo naman kasi eh. Bakit hindi na lang kasi ako.

"Mahal mo pa rin sya." Sabi sakin ni Dave

"Hindi noh! Tagal ko nang nakamob on dun! Tss." Ayaw kong ipakitang naaapektuhan ako sa kanya.

"Not a good liar, Kayie. Not a good liar."

"Oo na inaamin ko. Nasasaktan pa rin ako. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Naaawa ako sa sarili ko kasi imbis na tinutulungan ko yung kuya ko na makarecover sa mga nangyayari, nakikidagdag pa ako sa mga sawi. Ayaw ko ng umiyak dahil sa isang lalaking hindi naman ako nagawang mahalin! Ayoko na! Ayoko na!" napahagulgol na lang ako.

Hindi ko magawa. Hindi ko magawa sa ngayon na maibalim man lang yung sigla ko. Yung kadaldalan ko.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Dave.

"Wag mong pahirapan ang sarili mo para sa kanya, Kayie. Andito pa ako. Isipin mo lang na marami pang nagmamahal sayo. Mahal kita. Mahal na mahal mula nung una pa lang. Tahan na."

End of flashback...

And after that conversation, everything has changed.

Lalo syang mas naging caring sakin. Lagi nya akong hinahatid sundo kung san man ako pupunta. Ngayon pupunta ako sa school kasi may pinapaasikaso samin ang Dean. Kalerke! Kahit walang pasok may assignments pa din. Hindi na ako nagpahatid sundo kay Dave. Gusto ko naman matry ulit ang magdrive para sa sarili ko no!

Pagkadating ko sa MU nakita ko agad yung iba kong kabatch na dito magka-college. Madami dami pa rin talaga kami. Ang tibay ng batch namin!! Sabagay ang ganda naman kasi talaga sa university na to.

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon