Chapter 7• THE MOMENT OF TRUTH

168 5 5
                                    

ISHELLE' P.O.V.

"I LOVE YOU ISHELLE." Ian

Napaluha ako sa sinabi nya.... dahil may nasabi sakin si mama...

Pag daw napamahal na ako sa isang lalaki... eto daw ang magiging isa sa pinakamasayang araw at mas sasaya pa raw ito kapag sinabi nya rin na mahal ka nya....

Pero posible rin daw na sa mga susunod na araw ay may mangyayaring di kanais nais... na masasaktan rin daw ako dahil sa pangyayaring yun....

Ayaw ko ng isipin ang mga bagay na yun sa oras nato dahil panira ng moment....

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing

"I-promise mo na hindi mo ako sasaktan..."

" I promise!"

"Eh bakit sumisigaw ka?! Ikaw na nga jan ang pinagtiisan ko ng isang buwan!" sabi ko

"Aba! Ako kamo ang nagtiis ng kaengotan mo!!" Sabi ulit ni Ian

"I LOVE YOU NA NGA!! DADA KA PA NG DADA!" sigaw ko sa kanya

pagkatapos naming magpatayan este magsigawan

Pumunta kami sa SM

Kumain kami sa isang italian restaurant..... sila Basti at Nicole may date din daw... si Macky at Lady naman nasa bahay... nililigawan na rin ni Macky si Lady... eto namang si Lady nagpapakipot.. eh alam nating lahat na sinabi nya na mahal nya si Macky...

Eto namang si Nicole.... sinisigurado pa kung mahal nga ba sya ni Basti.. eh alam nya naman kasing playboy si Basti... pero kinwento na rin sakin ni Ian na kay Nicole lang nagseryoso itong si Basti... hayyy

"Can I take your order Mam/Sir?" -sabi nung waitress

umorder na kami ni Ian  .. tinatamad na si author sabihin yung inorder namin eh....

pagkatapos namin kumain ... nagshopping kami ng, *ehem* ng boyfriend ko

Pumunta kami sa Botique nila Ian

Dalwang palakpak lang ni Ian lumabas ang tatlong babaeng nakauniform... dala dala nila ang napakaraming dress, 25+ pairs of shoes for girls at mga accessories....

O.o.. takang taka ako kung bakit andami nun eh kami lang ni Ian ang nasa botique...

"Pumili ka ng gusto mo.. lahat ng gusto mo... kahit ano!" sabi ni Ian

ano daw?! Kahit ano?! O.O

"Pano kung gusto kung gusto ko lahat yan.. ibibigay mo?!" Tanong ko dahil paeasy-easy lang sya at nakasuot ang dalwang kamay sa dalwang bulsa.... ang gwapo talaga ng Ian KO..... hihi :->

"Go get 'em! Wag na wag ka lang hihingi ng tulong sakin magpabuhat!" -seryoso nyang sabi

Haisst!! Nakakaasar talaga...

tiningnan ko n lang sya ng masama... pero walang effect yun..  kumuha na lang ako ng isang dress... one pair of flat shoes and one set accessories...

Sumakay na kami ng kotse ni Ian dahil sya na lang daw maghahatid sakin....

~~BASTI'S P.O.V.~~

Nandito KAMI sa restaurant ng family ko ngayon.. Oo . KAMI...

Kasama ko kasi ngayon si Nicole dito... nililigawan ko na sya.. for ONE MONTH

Pakipot pa kasi. Alam ko namang mahal nya na ako eh...

Pero feeling ko, mahal na mahal ko na rin tong babaeng to. Ansarap kasi pakinggan ng boses nya pwera na lang kung sumisigaw.. bungangera kasi.. araw araw kumakain ng megaphone...

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon