Chapter 41 • Lucky

68 4 5
                                    

Ishelle's POV

"Uhhhmm. Claire, anong schedule ko today?" -ako

"Wow. Edi tingnan mo sa planner mo. Assistant mo ba ako ha?"

Hahahhahaha ang taray talaga nitong buset na to.

Curtina Calling...

"Problema mo Curtina?"

"Ang taray mo naman Shellefish.. Namiss lang naman kita eh. Huhuhuhu." Aba't ang arte talaga nitong lalaking to!

"Will you stop calling me Shellefish?"

"If you stop calling me Curtina. Hahaha didn't you miss me Mrs. Orellana?"

"That's more I like it. I miss you too. Sige na marami pa akong gagawin. Wala ka naman atang sasabihin eh. Bye."

Pinatayan ko na agad sya ng phone.

I can't believe na narating namin to. Parang kahapon lang nagsa-suffer ako sa pag-aaral sa America. Pero ngayon, I'm like one of the most successful designers here in France. I don't even know kung pano ko narating ang ganto kataas na posisyon sa buhay.

Curtina Calling...

"ANO NA NAMAN BA??!!"

"I love you, Sunny!"

"Aishh ang kulit mo rin noh?"

"I love you, SUNNY!"

"Aww. Bakit ba ang kul--"

"I LOVE YOU, SUNNY!!"

"OO NA NGA I LOVE YOU TOO, CURT!"

Haaayy. Ang kulit talaga nung bwiset na yun. Isa pa tong pagbabago. Two years na kami ni Curt. Pinilit nya ako ng pinilit na bigyan ng chance yung samin. Hindi naging madali para sakin yun. Kasi parang ang kalalabasan magiging rebound ko lang si Curt. Pero mas naging maganda yung resulta ng relasyon namin.

He's now a successful businessman. Sya yung nagpapatakbo ng kompanya NAMIN. Samin rin napunta yun eh. Hahaha nakakatawa nga eh. Akalain nyo yun? Akala ko kay Ian na lang talaga ang puso ko. Pero hindi pala.

May times na iniisip ko kung minahal ko ba talaga si Ian or was I just in love with the idea of being in love.

I mean, naging masaya rin naman ako nung naging kami ni Ian but this time. Kakaiba talaga yung feeling. Siguro dahil bata pa kami nun ni Ian.

Si Claire ang naging best friend ko dito. Naging classmates kami nung nagshift ako ng degree program. Maarte sya masyado. Maldita din. Pero sya lang ang tanging nakakasolve ng problema ko. Kaya I'm very thankful na nakilala ko tong baluga na to.

"Sunny, kelan nga pala uwi natin sa Pilipinas?"

"Uhmm. Maybe, the day after tomorrow." Tumango sya at bumalik sa pagdedesign.

Designer din sya. Also one of the most highest paid stylist here in France.

Kamusta na kaya sila Nicole? 3 years na rin kasi akong hindi na-uupdate sa kanila. Ang tagal na rin eh.

"Claire, kamusta na nga pala kayo nung ex mo? Nagkakausap pa ba kayo?"

"My God, Sunny! Two months pa lang ang nakakalipas. The break-up scene is still fresh in my mind. Wag muna nating pag-usapan yun."

Hahahahaha. Sabi ko na nga ba eh. Forevs bitter na tong gaga na to.

Kakabreak lang nila nung ex nya two months ago. Nahuli nyang may kabumbuman yung ex nya sa bahay nila. At ang masama pa nun, pinsan pa ni Claire. Nakakaawa sya nung mga panahon na yun eh. Lagpak. Halos naubos na nga time nya sa pagdedesign eh. Kaya medyo nalugi sya.

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon