Chapter 48

100 2 3
                                    

Mayel's POV

Sawakas. NagkaPOV na din.

Hi guyth! Hihihi. Siguro naman kilala nyo na ako noh.

Haay naku. Kawawa naman si Ian. Mahal na mahal si Sunny.

Gwapo naman sya, mabait, saka matalino. Pero uy di ko sya type noh!

Yung fixed marriage kuno namin, kunwari lang yun. Kasabwat namin si Tita Emerald.

Kaibigan ko si Ian since.. limot ko na eh. Basta nakilala ko lang sya sa MU. Yun.

Kung tatanungin nyo ako kung may gusto ba ako sa kanya. Wala po. Boto ako sa kanila ni SUnny!! Base sa kwento nya, mahal na mahal nila ang isa't isa nun. Ngayon, mukhang si Ian na lang ang MU. Mag-isang Umiibig. Bwahahahahaha.

Sa araw sana ng kasal kuno namin ni Ian sila ikakasal. Dahil imbitado sya, gagawin namin yung plano namin.

PEro nagbago yung plano. Magpopropose na lang daw sya, kasi baka mapahiya daw sya sa simbahan.

Ngayon naman, nandun sya sa condo nya. Laging nakakulong. PEro hindi sya yung laging umiinom. Matino din naman yun noh.

Gaga calling..

"Oh gaga, problema mo?"

"What? Tumawag lang. Wag ka ng umarte."

"Infairness bes! Ang taray mo pa rin. Haha."

"Waaahh! Bes miss na miss na kita. Gusto ko ng umuwi dyan!"

"Me too. Kelan ba uwi mo? Susunduin kita."

Call ended..

Ayy bastos. Hayuf nainis ako dun ah. First time nyang ginawa yun.

"Hi bes."

Biglang may yumakap sakin na babaeng mabango at matangkad.

"KYAAAAAAAAHHH!!!!! BESSSSSS!!! NAKAUWI KA NAAAAA!! WAAAAAHH!!" halos umiyak na ako sa sobrang saya.

Sya si Reytel Razon. Sya ang best friend ko mula pagkabata. Nagstay sya sa New York for almost forever! Gosh! Ang saya saya ko ngayon. Namiss ko sya!

Bumaba kami sa kusina at kumain habang nagkekwentuhan nya. Habang nagsasalita sya, hindi mo talaga mapipigilang masabihan sya ng bitch.

Yes. Bitch ang best friend ko. Sulutera. Mang-aagaw. Kabit. Oo basta ganun. Hahahaha tuwang tuwa daw sya pag may relasyon syang sinisira.

Pero mabait sya. Sobrang bait. Pero bitch pa rin. Gulo noh?

"Alam mo ang pangit mo manamit. Dapat ganto ang mga sinusuot mo."

Sabi habang tinuturo ang shorts nya at backless na damit. Pano naman ako magsusuot ng ganyan dito eh marami ditong rapist sa Pinas.

"Duh? Ang tawag sa ganyang manamit dito, pokpok."

"Pokpok? What's that? Nakakain ba yun?"

Kita nyo? Wala talagang alam. Gaga eh. Pagpasensyahan nyo na.

"Mam, andyan po si Sir Ian." Sabi ng isang maid.

Nakita kong pumasok si Ian. Nakasando at pants lang sya.

Ang gwapo ng best friend ko. Pero uy di ko sya gusto.

Pagtingin ko kay Tel, nakanganga sya. God. SHocks. Here comes the bitch.

"I-Ian, anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at nakipagbeso sa kanya .

"Wala lang. Namimiss ko lang ang best friend ko."

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon