Chapter 46• Wake Up

57 3 6
                                    

Chapter 46• Wake Up

"Ito, pakiayos nitong rack na to. Lagay nyo dun sa may corner na yun."

"Guys faster!"

Haayy. Nakakapagod. Inaayos na namin yung botique na pinapatayo ko. Pangatlong mall na to. Kapagod talaga. Haiisst.

Dalwang linggo na rin since... ughh! Ang sakit pa rin talaga. Sayang at hindi kami magkasama ngayon.

"Nicole, pwedeng kayo muna bahala dyan? Dadalaw lang ako sa kanya."-ako.

"Sure ka ba kaya mo ng walang kasama?"-Lady.

"Okay na ko. Kaya ko na." I said and smiled at them.

Pumunta ako sa kanya ngayon, mag-isa. Siguro nasanay na rin ako sa loob ng dalwang linggo.

"Doc, kamusta naman po sya?"-tanong ko sa doctor.

"Nasa stage of comma pa rin sya. Hindi nagbabago yung heart rate. Masyadong mahina."-tumango lang ako sa sagot nung doctor.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Curt, nakaramdam agad ako ng malamig na tumulo sa mata ko. Agad ko itong pinunasan.

Lumapit ako sa kanya. Andaming nakakabit na kung ano ano sa katawan nya. Kinabitan lang sya ng life support para madagdagan yung chance na mabuhay pa sya. Ginagawa naman namin ang lahat para mabuhay sya eh.

Nakakaasar naman kasi tong si Curt eh! Hindi sinasabi na may nararamdaman na naman ulit pala sya. Ayan lahat tuloy kami nahihirapan!

Hinawakan ko yung kamay nya at hinaplos ito sa mukha ko.

"Beb. Gising na. Nalulungkot na ako sobra dito eh. Gusto mo ba yung lagi na lang ako nalulungkot? Diba sabi mo nasasaktan ka pag nalulungkot ako. Gumising ka na please?"-kinakausap ko sya na para bang maririnig nya ako.

Sabi daw ng doctor, kausapin daw ito kahit na alam naming hindi nya makikinig. KAusapin daw para magising sya. Duh? Yun na yun? Mga walang kwentang doktor. Tsk.

"Psshh. You're crying again. Sa tingin mo ba matutuwa sya kapag nalaman nyang lagi kang umiiyak?"

"Alangan namang tumawa ako ng tumawa habang naghihirap sya sa kalagayan nya ngayon? Mag-isip ka nga Ian! Nakakabwiset ka alam mo yun?" Inirapan ko na lang sya.

Naging magkaibigan ulit kami. Pero hindi na masyadong close. Tanggap nya na rin na si Curt talaga ang mahal ko. Si Curt nga ba?

Aish ano ba tong iniisip ko! Nakakahazar naman oh! Ikakasal na rin sila next week. Ang galing nuh?

Si Nicole at Basti? Ay wag na kayo magtanong. Lagi lang ng babarahan yun. Si Myke at Lady? Sila na! Tapos si Claire ikakasal na kay MJ! Hihihihi ang saya saya! Bakit ambilis? Dahil mahal nila ang isa't isa! Wahahahahahaha.

"Hindi pa rin ba sya nagpapakita ng sign?"-Ian.

"Hindi pa rin eh. Wala pa ring bago sa kanya."-ako.

Nakatitig lang kaming dalwa kay Curt. Ang payat payat na nya, ang putla, ang lalim ng mata. Pero gwapo pa rin sya at sya pa rin ang mahal ko. Mahal na mahal ko sya.

Habang hawak ko yung kamay nya, bigla tong gumalaw.

"Nakita mo yun Ian? Nakita mo?"

"Ang alin????!!" Tarantang tanong nya.

"Gago wag kang magpanic. GUMALAW YUNG KAMAY NI CURT!! GUMALAW SYA!!"

Napasigaw ako sa sobrang saya! Eh kasi naman gumalaw yung kamay ni Curt! Waaah!

"Baliw. Wag daw magpanic eh sya naman yung nagpapanic."-Ian.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil, yung...yung mata ni C-Curt. GUMALAW!

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon