Chapter 13• THE PARTY

134 4 1
                                    

ISHELLE'S P.O.V.

Wew! Andito kami ngayon sa Royal Palace! Ito ang venue kung saan gaganapin yung party ko.....

hahahahaaha..... October 28 na nga pala ngayon.... maaga pa lang nag aayos na sila ng venue.... lahat ng batch mates kasama sa party..... pati yung mga high societies kasama rin..... hindi muna ako magbibihis kasi umaga pa lang kami

Well... ang mga invited eh may mga date na kasama.... syempre ang escort ko si Ian....

Pumunta muna ako sa room ko.... andun yung mga gamit ko sa party. Make up, dress, high heels, basta mga gamit para daw diretso na ang labas ko sa party ko..... sila couz naman nasa bahay na nag-dedress up na..... sila Ian at yung dalwang asungot.... nag aayos na rin

Edi nagaayos na nga rin ako...

Ang dress ko ay color green, light green lang.... kulot yung buhok ko na may nakaipit na flower.....

7:39 pm at Royal Palace

Grabe ang daming tao... naksilip lang ako dito kasi nasa second floor ako ng venue.... para talagang palasyo tong venue ng birthday party ko eh.....

8:00 pm magsisimula ang program.... kaya bumaba na ako pero di ako nagpakita sa kanila kasi may grand entrance daw...ewan ko ba dito kay Ervin may pagrand grand entrance pa.... si Ervin yung baklang organizer

Lahat ng kabatch ko na may date ay may grand entrance.....

Pero lahat sila ay nakadalwang hanay sa gilid ng red carpet.... sa right side yung girls and then sa kabila naman yung boys... ako lang ang walang escort sa grand entrance daya.....

Pero nakita ko si Ian nasa dulo ng hanay ng mga lalaki.... may dala dalang roses and tulips..... Anong pakana na naman to? Nakita ko rin sila mama, papa, kuya Anjo, ate Angela, at ate Kamella.... nandun sila sa stage.....

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at biglang tumungo ang lahat pwera kay Ian....

Gulong gulo ako sa nangyayari.... dumaan ako sa red carpet pero nakatungo pa rin sila.... lumapit na ako kay Ian at binigay nya sakin ang flowers....

"Happy Birthday labs!" bulong sakin ni Ian sabay kiss sa cheeks..... hindi pa rin ako maka imik dahil naguguluhan ako.....

Biglang tumugtog ang Just The Way You Are cover ng Barden Bellas ng Pitch Perfect.....

Sumayaw kami..... kalamado lang kaming lahat dahil sa tugtog....

"Uy ano na?!! Hindi ka ba magsasalita? Baka maipon yang laway mo sa bibig mo..... baka mapanis yan!" sabi sa akin ni Ian

"Bakit may ganto pa.... hindi ko pa debut eh.... masyadong bongga!" sabi ko na medyo nahihiya

"Eh basta yun na yun.... hindi mk ba nagustuhan?"

"Gustong gusto ko Ian.... hindi nga ako makapaniwala eh...."

"May pupuntahan tayo... tayong barkada.... total sem break naman ngayon at may 1 week vacation eh pupunta tayo ng Tagaytay.... may rest house kami dun! Mag impake ka na dahil bukas na tayo aalis" sabi ni Ian.... wow Tagaytay!

"Eh? Hindi pa ako nakakapagpaalam eh!"

"Okay na napaalam na kita...."

Kung ano anong mga echos echos pa ang nangyari.... nagsikainan.... may powerpoint pa ng pictures ko.... kumain... nagkantahan.... nagsayawan.... basta masaya super... feeling ko debut ko na eh...

Hayy nataposmrin ang party..... umuwi na kami dahil maaga pa daw ang alis namin bukas.....

Habang nakahiga ako iniisip ko ang pede kong gawin sa Tagaytay.....

Mag zipline? Shopping? Gala? Ah ewan.... baka hindi pa ako makasama bukas dahil puyat ako....

Ayy..... nalimutan ko na ang diary ko ah..... mabuklat nga muna.... mabango pa rin tong diary ko....

dear diary

             Ang saya ko ngayon.... birthday ko kasi at may surpresa kanina si Ian sakin..... hihihi nakita ko na rin ang pamilya ko.... tapos bukas pupunta pa kami sa Tagaytay..

ps. Ano kayang gagawin namin sa Tagaytay?

MY DIARY OF LOVE

By Im_simple_14

       enjoy reading! hope yah like it! =^_^=

☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon