Chapter 47• Your Love

53 3 1
                                    

Chapter 47• Your Love

"Yan, pakilagay dun sa kwarto ko. Tapos pakiayos na din. Salamat."

Utos dito, utos doon. Yan ang trip ko gawin ngayon.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung nawala si Curt. Tanggap ko na wala na talaga sya.

Naging mahirap para sakin ang tanggapin ang pagkawala nya. MAhal na mahal ko si Curt. Walang wala ako noon. Lugmok na lugmok.

Wala naman kasing mangyayari kung magmumukmok ako eh. KAilangan ko ng magsimula ng bagong buhay.

Mayel Calling...

"Hello Sunny!"

"Hi. MAy kailangan ka ba Mayel?"

"Uhh. May dinner kasi kami mamaya sa Reallano's. Sama ka naman. Pleaseeeee."

Ughh. Ang kulit kulit talaga nito ni Mayel! Nakakaasar. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Ang bait nya kasi eh. Hindi rin natuloy yung kasal nila. Minoved nila next week.

"Sige. Punta na lang ako dyan mamaya."

"Don't forget Sunny ha? Mamaya 7pm. Sunduin ka na lang dyan ni Ian. Bye muah!"

"Wait---"

Call ended...

See? Ang bait bait nya talaga. Ay wait.

Susunduin ako ni Ian? Hala wag na! Sheez. Tinext ko sya na wag na akong sunduin ni Ian pero nagpupumilit talaga sya.

Hindi ba sya aware na ex ko si Ian? Bakit pinaglalapit nya pa rin kami?

Ito pa ang nakakapagtaka. Araw araw nya akong kinukulit. Na may lakad daw kaming tatlo, tapos sasabihin nya hindi sya makakasama. Kaya ngayon, I wish na kasama na sya.

Inuuyo ata ako nito ni Mayel eh.

"Hi Besh!" Sabi ni Claire at nagbeso.

"Oh. Sakto ka. Tara sa kwarto. Papadala ako ng meryenda kila manang sa taas."

Pumunta kami sa kwarto ko at diretso naman sya sa harap ng salamin.

"Waaahh! Huhukels naman! Ang laki laki na ng eyebags ko!"-pag-atungal nya.

"Gaga. Sadyang malaki na yan. Nilalagyan mo lang ng concealer."

Again. She pouted. Hobby na nya ang pagpout eh. Mabenta naman. Andaming manliligaw kahit may boyfriend na.

"Dinner tayo mamaya. Libre ni MJ."-Claire.

"Parang ginagawa mo ng talking atm yang boyfriend mo ha."

"Duh? As if I care naman about his kayamanan noh. EH mas mayaman pa nga ko sa kanya."

Ang taray ng gaga. Yaman nga, taray naman. Naku!

"Eh kasi, inakit ako ni Mayel---"

"NANAMARNSS???"

"WAG KANG SUMIGAW!! "

Ayan na. Magpapout na naman sya. Nakakaasar.

"Inuuto ka lang nun ni Mayel. Parang gusto nya na magkabalikan kayo ni Ian."-napanganga ako sa sinabi nya.

"Baliw. Mahal nya si Ian noh. Bakit nya naman gagawin yun?"

"Eh ikaw mahal mo pa si Ian diba?"

"Hindi na. Hindi ko na sya mahal. Wag mo na ngang ipilit Claire!"

"Alam ko mahal mo pa si Ian, Besh. Best friend kita kaya alam ko yun."

"Si Curt ang mahal ko."

"Pwedeng mahal mo si Curt, pero hindi lang sya ang mahal mo. Pareho mo silang mahal. The way you looked to Ian and Mayel? You are really jealous and affected. You still love Ian. Wag ka ng kumontra alam na alam ko yun."

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon