Chapter 22• BORACAY Part 2

98 4 2
                                    

ISHELLE'S P.O.V.

"Uhh... couz... uhhmmm... kilala mo ba ung kinakausap ni Ian?" nagtatakang tanong ni Lady sakin...

"Hindi eh.."

"Nako Ish... parang nag-iinit ang dugo ko.... mukhang malande ung babae ha!" Nicole

"Nic.. baka naman friend or pinsan... wag mo muna kainin... di pa nga natin kilala eh..." Lady

Lumapit kami kila Ian... andun lang kami nakatayo sa gilid nila pero di pa rin kami pinapansin....

"Ayy... andyan na pala kayo... uhmm Ish.. sya nga pala si Keena!" sabi ni Ian

"Oh... hi I'm Kyrine Eena Eleazar! Keena na lang.." sabi nya... mukhang mabait naman si Keena..

Eleazar?! As in Clarrissa Eleazar?!

"At sya si Ishelle Zamora! Sya ang pinakamamahal na gf ni Ian!" medyo galit na sabi ni Nicole... siniko ko sya at um-aray naman..

Ang kaninang nakangiting mukha ni Keena ay biglang sumimangot...

Bakit kaya?

"Uhh... Ian? Girlfriend mo to?" tanong ni Keena.......

"Ahh.... oo... first love..." sabi ni Ian...

Lagi na lang pag may nakikilala kami pinapakilig niya ako... ^_______^

Kanina nakangiti lang si Keena ngayon parang ayaw ng ngumiti...

"Uhhmm.... Ian mamaya ha kita ulit tayo... bye! ^_____^"" sabi ni Keena at ngumisi ulit...

"So? Magkikita pa kayo?!" tanong ni Nicole... buti na lang nakaalis na si Keena...

"Hindi ko naman sinabing magkikita kami eh.... pero bahala na!" Ian

Nagsiswimming sila at nakaupo kami ngayon ni Ian sa buhangin...

Niyakap nya ako bigla at hinalikan sa noo....

"Uhhmm.. Ish... wag ka magseselos kay Keena ha?!" Ian..

"HA?! B-bakit naman ako m-magseselos??!" ako

"Eh.. wala lang. Kaklase ko lang si Keena nung elementary... matagal tagal lang kami di nagkita. Crush nga ako dati nun eh!" Ian

"Woah? Yabang mo ha! Ehhhh... panu kung...... gusto ka pa rin nya hanggang ngayon?!" tanong ko.... inalis nya pagkayakap nya sakin... at tinitigan ako..

"Hindi yan! Matagal na un eh... elementary pa un!" sigaw nya sabay yakap sakin....

Naramdaman kong umiinit na naman ung pisngi ko...

Nagswimming na rin muna kami...

****

Andito kami ngayon sa restaurant sa may beach... inakit kami ni Mam Nipales na dito na lang daw kami kumain pero di nagkasya ung iba...

Sila couz nasa beach pa... ayaw pa daw kumain kasama nila ung dalwang aso.... hahaha

"Ish... gala tayo pagkatapos natin kumain ha!" sabi ni Ian..

"Sige!"

Biglang may umupo sa tabi namin... si Keena pala..

"Oh hi love birds! Dating?!" tanong ni Keena na medyo sarcastic..

"Ahh.. hindi naman... dinner na namin to.." Ian..

"Ian.. kelan mo nga pala napagtanto na mahilig ka sa suman?!" Keena..

"Ahh.. anong ibig mong sabihin?!" Ian...

Tiningnan ako ng masama ni Keena mula ulo pababa...

"Ahh.. wala naman... grabe... ang tagal na nating hindi nagkikita no? Parang nung elementary lang M.U. tayo ehh..." Keena...

Hinawakan naman ni Ian ung kamay ko....

"Ian... akala ko ba hihintayin mo ako... sorry kasi iniwan kita... liligawan mo pa rin ba ako?!" medyo mapang-asar na sabi ni Keena... kaya naman nabilaukan ako...

Binigyan ako ng tubig ni Ian at ininom ko ito..

Tumayo ako para umalis pero pinigilan ako ni Ian... hinawakan nya ang kamay ko...

"Ian mag-ccr lang ako!" ako

"Ish dito ka muna!" Ian..

"Ian nac-cr na ako wait lang!" tumakbo ako palabas ng restaurant...

Parang gusto kong umiyak... hindi na ito ang unang beses kong magselos pero parang ito ang pinakagrabe sa ngayon.... akala ko pa naman mabait si Keena..

Pero teka... bat parang mali ung ginawa ko... dapat pala hindi ko na sila iniwan... baka lalo pang landiin ni Keena si Ian...

SHEEZ!! BAKIT UMIIYAK AKO?! Sa tindi ng selos?! Grabe...

Habang naglalakad ako sa buhangin.... nakita ko si Myke na mag-isa sa tabing dagat... pinunasan ko ung luha ko dahil parang umiiyak rin sya.



A/N: Ano na naman kayang role ni Keena.... basta basahin nyo lang tong story na to... thank you po sa pagbabasa...

Please vote, comment, and be a fan

Enjoy reading...

[My Diary Of Love]

©2014 All rights reserved by: SimpleMissyGirl

♥MY DIARY OF LOVE♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon