Isang magandang araw para sa'kin. Dadating na sila mommy and daddy today. I'm just so happy. Medyo matagal ko na din kasi silang hindi nakikita dahil nga busy sila masyado sa work. Pero kahit na wala sila masyadong time para sakin, I still thank God for giving me such loving parents like them.
"Bethany! Anong oras ba ga ang uwi ng nanay at tatay mo?" Tanong sakin ni manang.
"Hindi ko po alam yung exact time pero ang sabi po nila mamayang gabi daw po." Sabi ko.
"Ahh osige, nagbilin ba sila kung anong gusto nilang hapunan mamaya?" Tanong ulit niya.
"Hindi po eh. Pero wag na po kayo mag alala, ako nalang magpeprepare ng dinner mamaya. Panigurado na-miss nila yung luto ko. Hehehe." Sagot ko naman ulit.
For everybody's information, I really love cooking. Bata palang ako hilig ko na magluto. Natuto ako sa patingin tingin lang sa mga gumagawa sa kusina. Walang nagtuturo. Minsan my mom buys me cookbooks. Tapos ayun, self study nalang.
"Ikaw talagang bata ka. Osige ikaw na bahala mamaya ha." Bilin niyang mabuti.
"Oyes manang, rest day mo today. Hihi" sabi ko then niyakap ko siya at bumalik na sa kwarto ko. Napangiti naman siya. Si manang talaga, ang babaw ng kaligayahan.
Pagbalik ko ng kwarto ko, kinuha ko yung laptop ko at saka binuksan at nag internet. Nagcheck ako ng accounts ko. So far, wala namang kakaiba. Puro selfies lang nakikita ko. Kasawa na. Scroll up, scroll down lang ako ng paulit ulit. Refresh here, refresh there. Nang biglang tumunog yung phone ko.
May nakaalala!
"Good afternoon!"
From: Kenneth Lim
Gm nanaman.
At dahil naguumapaw ang aking boredom, nireplyan ko si Kenneth. Hindi ako mahilig magreply sa mga ganito, lalo na gm. Kaso talagang wala akong magawa.
Pagkareply ko sakanya, nagreply din naman siya agad. Hanggang sa ayun, nagkamustahan kami. Nagkwentuhan ng kung ano ano. Simula nung nag sembreak, walang araw na hindi kami nagkakatext. Minsan kasi, siya naman yung nagrereply sa gm ko.
"Nakakatatlong girlfriend palang ako."
Magkatext padin kami at nakakatuwa dahil hindi kami nawawalan ng pinaguusapan. At hanggang sa ayan, tinanong ko siya kung nakailang girlfriend na ba siya. Hindi naman siya nag inarte pa at sinabi naman niya kung ilan na.
"Ahh, pero ngayon may girlfriend ka?" Reply ko sakanya.
"Gusto mo ba mag apply? Haha, wala."
Naalala ko tuloy yung kinwento sakin ni Mariani tungkol dun sa ex ni Kenneth. Gusto ko sana itanong kaso, parang nahihiya ako. Baka sabihin pati ayun gusto ko din malaman. Pero honestly, gusto ko din. Hahahaha
"In your face. Aba akalain mo yun bakante ka. Kilala ko yung ex mo! Balita ko hinuthutan mo lang daw ng load yon ah! Hahahaha" reply ko.
Grabe hindi ko mapigilan. Napaka echosera ko! Hahahah bahala na kung anong magiging reaksyon niya. Feeling ko naman close na kami, kaya okay lang na biruin ko siya ng ganon.
"Loka ka. Hahaha grabe ka! Hindi naman. Sinong ex? At sino namang nagkwento sayo? Aber."
Sighh. Akala ko mao-offend eh. Haha! Agad ko namang siyang nireplyan.
"Wow. Ibig sabihin lahat ng ex mo hinuthutan mo lang ng load? Hindi mo kasi alam kung sino eh. Haha! Grabe ampogi naten ah!" Pambibiro ko sakanya.
"Grabe ka naman. Seryoso naman ako no. Hindi ko hinuthutan ng load yun. Medyo lang. Haha joke." Sagot naman niya.
"Kita mo na. Edi lumabas din ang totoo! Echosero ka. Haha"
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!