"Talaga? Hahahahahaha kung ako yun papahalik na ko. Gwapo naman sabi mo diba? Good na yun. Sabak lang ng sabak!" tawa ng tawang sabi ni Lindsay.
"Yak! Kadiri ka Lindsay! Mahiya ka naman kababae mong tao no." Sabay irap. Ewan ko ba ang bilis kong napalagayan ng loob tong mga babaeng to. Parang ang tagal ko na silang kaibigan. Close na kasi ako kagad sa kanila. Kaya yun, naiirap irapan ko na. Hahaha
Eto maaga kami pumasok apat, kaya naman ang ingay ingay namin dito sa room. Halos kami palang kasi tao dito. At kinwento ko yung nangyari nung friday. As in hindi talaga ako makaget over sa nangyari. Ako inis na inis, pero sila kinikilig. Like uhh? Hindi na ba talaga ko makakakuha ng suporta galing sakanila? -_______-
"Good morning class!" nagsitahimikan na kami at halos nagsidatingan na yung mga classmates namin.
"Good morning Mam!" sigaw ng buong klase.
"Good morning mam! Sorry I'm late."
Napatingin ako sa nagsalita sa may pinto. AND GUESS WHAT? Nanlaki ang mata ko. Omg. Just OMG. Tadhana nga naman? At talagang dito pala siya nagaaral. AT KAKLASE KO PA?
"Oh! Mr. Kenneth Adrian Lim? Good morning sayo! Buti naman at naisipan mong pumasok pa?" nakapamewang na sabi sa kanya ng teacher namin.
At halos muntik na kong mapasigaw nung narinig ko yung pangalan na binanggit ng teacher ko. SERYOSO? SIYA SI KENNETH ADRIAN LIM?! O.O
Napatingin naman sakin si Hannah. At parang nalilito sa nirereact ko. Kaya naman binigyan niya ko ng 'bakit anong nangyari' look. Eh kahit ako hindi ko din alam nangyayari. Grabe totoo ba to?
"Sorry mam. Can I go to my chair now?" seryoso niyang sabi saka ngumisi.
"Yes you may." medyo kalmado naman nang sagot sakanya ng teacher ko.
Naglunch time na. Magkakasama kami nila Mariani sa canteen. Halos kakarating lang din namin kaya naghanap na kami ng mauupuan. Kaya naman nung makaupo kami agad nagtanong sakin si Hannah.
"Hoy bruha! Ano namang idinadrama drama mo kanina? Hahahahaha" natatawa niyang tanong. Pwes ako hindi natatawa.
"Ha? Anong nangyari? Grabe ganon na ba talaga kahina yung radar ko at nalate ako sa mga naganap -______-" Tanong din naman ni Lindsay.
"Hep hep! Wag ka nang magtanong. Eto na sisimulan ko na." with matching pagtataas pa ng dalawang kamay sa harap ni Mariani na nag aambang magtanong din.
"So...what? Spill it." sabi naman ni Mariani. Isa pa to eh. Di talaga makatiis na hindi magsasalita.
"Eh kasi naman kanina." malungkot na naiinis kong sabi.
"WHAT?!" Nanlalaking matang tanong ni Lindsay na para bang inip na inip na.
"Si Kenneth."
"Isa pa Bethany tignan mo. Ako kakain ng lunch mo." painis na sabi ni Hannah. Napakatakaw talaga kahit kelan.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!