Lumipas yung mga araw. Pagkatapos nung event na yun, halos medyo mas maging close ko yung iba ko pang kaklase. Pati na din sa iba kong schoolmates. Actually, halos magkaro'n na ng BETHANCE fansclub dahil sa mga nangaasar. At syempre ang nangunguna dyan ay ang mahadera kong kaibigan walang iba kung hindi si Lindsay. Hay. Kung hindi ko lang talaga kaibigan to. Mapapagkamalan ko tong may sapi.Examination week namin ngayon. Oha diba ang bilis ng panahon. Bukas makalawa gagraduate na 'ko. Andito ko ngayon sa canteen nagrereview. And at the same time hinihintay ko na din yung tatlo kong bruhang kaibigan. Mag isa lang ako nang biglang dumating si Kenneth. Lumapit siya sakin nang naka poker face.
Ang aga naman neto pumasok. Kaloka.
"Oh anong ganap?" Seryoso kong tanong sakanya.
"Wala naman. Ani bang exam natin ngayon?" Seryoso din niyang tanong.
Seriously? Hindi niya alam?
"English, math, physics. Ba't hindi mo alam?" Medyo mataas yung boses ko.
"Easy-han mo. To naman. Eh kasi hindi ko alam eh. Hehe sorry. Okay lang yan. Pakopya nalang. Tabi tayo ha?" Tatawa tawa niyang sabi.
Dumali nanaman tong mokong na 'to. Pano kaya to aasenso kung lagi siyang ganito. Nakakaloka siya.
Hindi ko nalang siya pinansin. At nag dire diretso na ko sa pag-aaral. Bigla namang dumating sila Hannah pagkaalis ni Kenneth. Sabay sabay nanaman sila. Nakakainis talaga. Buti pa sila. Pareparehas kasi sila ng way pagpasok. I mean, paraparehas sila ng dadaanan.
"Bethanyyyy!" Sigaw ni Mariani.
"Hey sup guys." Malamya kong bati.
"Oh so anong meron? Tamlay mo." Singit naman ni Lindsay.
"Wala naman. Galing nga pala si Kenneth dito. Kakaloka yun. Hindi alam yung eexamin natin ngayon." Sabi ko.
"Sus. Wala namang bago dun no. Hindi naman mahilig magaral yun." Sagot naman ni Hannah.
"Ohh. Naalala ko tuloy yung dati. Yung nagpaturo siya sakin. Ang close namin noon kahit nun lang kami nagusap ng maayos. Tapos pagtapos nun, hindi na ulit masyado. Tapos kanina kokopya daw siya mamaya. Yung totoo? Kaibigan pag may kailangan?" Paglilitanya ko.
"Ang aga mo magsona girl! Haha" pangongontra sakin ni Hannah habang nagreretouch siya ng muka. Kainaman to eh. Napakaconscious talaga sa feslak.
"Hindi naman siguro ganun. Malay mo? Hindi mo pa naman siya kilala. Pero alam mo ba ganyan talaga kasi ugali nan. Sa school, classmate mo siya pero pag nasa labas na kayo, parang hindi ka na niya kilala." Pagpapaliwanag ni Lindsay. What a serious side of her. Hahaha
"Haynako sinabi mo pa. Tama si Lindsay. One time nga nakita ko yan, tinawag ko. Aba di man lang ako pinansin." Singit ni Mariani.
"Baka naman di ka niya narinig." Kontra ni Hannah.
Nagkibit balikat nalang si Mariani sa sinabi ni Hannah. Pwede nga rin naman na ganun. Pero bakit nga kaya ako masyadong affected sa taong yun. Eh ni para ngang walang pakelam sakin yung tao. Or rather, wala naman talaga.
Umakyat na kami sa room namin. At nagpunta sa upuan. Umupo na ko. Bakante yung upuan sa tabi ko which is sa kaliwa dahil ang katabi ko sa kanan ay pader. At wala pang ilang segundo na napansin kong bakante yung katabi kong upuan, bigla naman tong naupuan. Ni Kenneth. Hay heto nanaman. Naalala ko tuloy yung sabi ni Lindsay.
Nagsimula na kaming mag-exam. Wala pa ko sa kalagitnaan nang naramdaman kong kinukulbit ako ng katabi ko. Ugh. Destruction.
"Ano bang number?!" Mahina pero medyo painis kong sabi.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!