Chapter 8 Untitled

11 0 0
                                    


"Guys tayo na susunod. Wag kayong kabahan ha. I-feel niyo lang. Mga estudyante lang din naman yang mga nanonood tska ilang magulang. Relax lang." Nagbilin samin si James habang nasa backstage kami. Ngayon na kami magpepresent. Kabado kami lahat syempre. Lalo na ko. Hindi pa kasi ako pamilyar sa mata ng mga studyante.

"Bigyan naman po natin ng masigabong palakpakan ang ating mga piling magaaral mula sa seniors!" Malakas itong sabi ng MC. Kaya naman nagpalakpakan lahat ng tao.

Pambihira din tong MC na to. Linggo ng wika tapos seniors daw. Aba. Hahahaha.
Lumabas na kami sa backstage nung tawagin kami ng MC. Nagsisigawan ang karamihan sa mga kaklase namin bilang suporta.

At eto na, andito na kami. Hay. Kinakabahan ako. Pano ba naman hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga tao yung concept namin. Hahaha kaloka. Nakasuot kami ng filipiñana tapos nakabarong naman yung mga lalake. Andito kaming tatlong babae sa may kubo. Ito yung kubo na ginawa nung mga kaklase naming hindi kasali sa presentation. Sila Lance naman andun sa medyo malayo samin.

Sumenyas na si James. Habang hawak na din niya yung gitara.

"1..2..3" mahinang sabi ni James.

"Pare! Maaari mo ba akong tulungan?" Nagsimula na silang umarte.

"Oh bakit pare? Ano ba iyon?"

"Mayroon kasi akong sinisinta. Nais ko sana siyang haranahin. Maaari niyo ba akong samahan?"

(Si Lance yung nagpapatulong.)

"Bakit naman hindi. Sige, isama na rin natin tong si Santiago. Para siya ang tutugtog." Masayang sabi ng kanyang kausap.

(Santiago is the tagalog of James. Haha)

Nagkasundo silang tatlong lalaking magkakausap including Lance. At saka sila lumapit sa malapit sa aming kubo. Kunwari ay naguusap usap kaming tatlo sa may kubo.

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka~

Narinig na naming kumanta na si Lance kaya naman sabay sabay kaming pumunta sa may bintana ng kubo. Umaarte kaming kinikilig dahil sa panghaharana nila. Pero sa totoo lang, nakakakilig. Omaygashhhh. Nafifeel kong nagbablush akooooo.


At syempre sa linya palang na yun, nagsigawan na yung mga studyanteng nanonood. Ngayon lang yata sila nakasaksi ng ganitong klaseng presentation. Eh kahit naman ako.

Nagtuloy tuloy lang si Lance sa pagkanta. Nakatingin siya sakin. Uulitin ko. Mali siguro ako ng term na ginamit. NAKATITIG SIYA SAKIN. What should I do? Omg. Ang gwapo niya. Hahahaha ang sarap pahigain tapos tirikan ng kandila. Tamang tama sa costume eh. Pero syempre joke lang yon.

Sino ba 'to, mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba~

Maya maya lumapit siya sakin. Nakangiti parin siya habang kumakanta. Kasabay ng mga nagkakagulong mga kaklase at schoolmates sa baba ng stage. Grabe lang. Ba't sila nagkakagulo.

At gaya nga ng sabi ko, lumapit siya sakin. May dalang rose.

Meron pang dalang mga rosas~


Binigay niya to sakin. Syempre ako naman, the best actress awardee, arte arte lang. Kinuha ko syempre yung rose na kinikilig. Naks! Hindi bagay beth. Tapos yung itsura niya namumulang ewan tapos napapakamot sa ulo. Pero kumakanta parin.


Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along~

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon