Hay grabe. Malapit nanaman pasukan. Parang bitin ako sa bakasyon. Kinakabahan ako. Pano ba naman bagong school na yung papasukan ko. Kung kelan naman graduating saka lilipat. Hay, well anyways, wala eh. Eto na eh, ano pa bang magagawa ko. Sunod nalang. New environment. New friends. New enemies? Haha joke. Wala akong kaaway. Matino ako no.Nagfafacebook ako ngayon. Wala kasing ibang magawa. Katamad lang ugh -_____-
*pop* naks hanep sa sound effects hahaha
Oops. May nakaalala! Sana naman hindi to magpapalike. Grabe kabwiset kaya yung mga ganon. Nakakasira ng buhay! Haha joke. Buhay agad eh no? Araw lang naman.
Francis messaged you.
"Hoy!"
"What? Maka hoy naman to." reply ko.
"Diba sa Northwest Academy ka na magaaral?" tanong niya.
"Yes. Why?" tipid kong sagot. Kainis naman to. For sure makikitsismis lang to kung bakit. At kung ano ano pa. Mga tao ngayon talaga. Kaya minsan kahit na lalake hindi mo maiiwasang pagdudahan.
"May ipapakilala ko sayo. Dun nag-aaral. Magiging kaklase mo."
Napangiti naman ako. Concerned naman pala 'to. Akala ko eh. Lord sorry po nanghusga agad ako. Hehehehehe.
Nireplyan ko kagad siya.
"Eh? Talaga? Sige ano bang pangalan?" Nakangiti ako habang nagtatype. Di ko mapigilan eh. Sa sobrang tuwa.
"Kenneth Adrian Lim. Search mo. Pero sabi ko sakanya i-add ka niya eh. Online naman yun. Wait mo nalang."
"Okay. Hehe thank you."
At yun. Seenzoned na ang lola mo. Haha pero okay lang. Hay salamat. Bakasyon palang pero feeling ko may kaibigan na agad ako dun. Pero ilang days nadin naman pasukan na. So hindi na bakasyon, pero bakasyon parin. HALA ANO DAW? HAHAHA basta may friend na ko!
At ayun, heto nanaman ako. Scroll up, scroll down. Nakakasawa na nga eh. Kaso mas nakakabored naman kung wala akong ginagawa diba? Haha okay na din to.
Kenneth Adrian Lim sent you a friend request.
Nagningning ang mata ko nang makita ko yun. Ayan na. May friend na ko. Ay hindi pa pala, di ko pa inaaccept eh.
You and Kenneth Adrian Lim are now friends.
Yan we're now friends. Chat ko kaya? Hmm. Wag nalang nakakahiya.
Chat ko na kaya? Wala namang masama dun diba. Tutal pinakilala siya sakin nung tropa ko.
Wag na nga. Magkikita din naman kami sa pasukan.
Eh pano ko siya magiging friend agad. Kung di ko siya kakausapin?
Hala nalilito ako.
Kenneth Adrian Lim messaged you.
Yun. Nasolusyunan na agad problema ko. Hahahaha
"Hello po ate."
Hala maka ate? Eh magiging magkaklase nga kami. Like srsly?
"Maka ate naman? Hello din! :)"
"Pwede mahingi number mo? :)"
JUSKOPO! Sa isip sip ko, grabe! Nagmamadali ba to? Number agad? Kung di ko lang to magiging kaklase tatarayan ko na to. Duhh, ngayon lang kami nagusap no. Tapos ganyan agad. MGA LALAKE NGA NAMAN!
"Sure. 0927******* :)"
Oh gulat kayo no? Eh syempre. Binigay ko nalang din.
"Thanks! Out na ko. Bye classmate! :)"
"Okay bye :)"
Kanina ate tapos ngayon naging classmate? -______-
Wala. WALA NANAMAN AKO MAGAWA. Higa nanaman hawak si iPad. Tingin sa phone. Wala. WALA TALAGA. Walang text or what. HAYS BUHAY SINGLE. Kaya naman napagdesisyunan kong matulog nalang.
*kapa ng phone* *kapa ng phone* *kapa ng phone*
Tinignan ko yung time. Kakagising ko lang. Mag gagabi na din pala. Chineck ko din kung may messages. Medyo assuming lang. Malay mo naman may nag gm diba? Dekorasyon din sa inbox yun.
And tama nga ako. May mga GM. Hahaha!
"Well spent day with my bae. I really love this day!
Text us? GM."
"Buti pa ang roma, may papa.
Hay forever alone. Kamusta kayo?
Text? Grp."
Mga tao talaga ngayon. Pag hindi inlove, bitter. Eh ako? Wala. Wala akong panahon sa ganyan. May isa pa palang message.
"Good evening."
From 0916*******
Unregistered?
Hayaan na. Baka wrong send lang.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!