Chapter 10 Common Sense

20 0 0
                                    

"Sige, meron pa kayong 45mins. Maglaro kayo kung gusto niyo."

P.E. class namin ngayon. Mabilis lang naming natapos yung quiz na binigay ni sir kaya naman sinamantala namin yung natirang oras. Grabe nakakapagod maglaro. Tapos ang init init pa. Hagardo versoza na akes. Nakaupo ako ngayon sa bench, kasama ko si Hannah. Sila Mariani at Lindsay naman naglalaro pa. Pati yung mga iba naming kaklase. Yung iba nagbabasketball, yung iba naman volleyball tapos badminton. Nakatingin ako sa mga nagbabasketball kong kaklase. Tinitignan ko kung sinong magaling sakanila. Pero in fairness, madami dami din naman.


"Ang gwapo ni Kennethhhhhh. Shakings!" Kinikilig na sabi ni Hannah. With matching pagtatakip pa ng bibig gamit ang dalawa niyang kamay.


Napatingin naman ako kay Kenneth. Naka plain white tshirt lang siya ngayon. Tapos pawisan. Haggard din ang look. Kasi syempre naglalaro. Pero oo nga, tama si hannah. Ang gwapo nga ni Kenneth. Lakas ng dating niya lalo na sa ganyang look. Simple pero rock.


"Oo nga no. Ang pogi niya. Ang hot hahahaha" pagbibiro kong sabi kay Hannah. Totoo naman kasi hot talaga tignan. Kahit na hindi bukol bukol ang katawan dahil sa muscles.


"Hahaha crush ko na ngayon yan. Idadagdag ko siya sa listahan ko." Determinadong sabi ni hannah.


"So feeling mo papatulan ka niyan? Hahahahaha eh parang choosy yung ugali niya eh." Pangongontra ko.

"Duh. Hindi ko naman sinabing syosyotain ko no!" Tas sabay tawa niya. Talaga tong babaeng to napaka loka loka.

"Makapagpapicture nga dyan mamaya. Haynako! Hahahaha picturan mo kami ha." Dagdag pa niya.

Tumango nalang ako. Whatever. Hahahaha! Bet ko pa naman din sana si Kenneth. Kaso gaya nga ng sabi ni Hannah, hindi naman bet as in syosyotain. Duh.

"KENNETHHHHH! Papicture naman!" Sigaw ni Hannah.

Eto namang si Kenneth feel na feel. Lumapit nga at nagpunas ng pawis. Kinuha ko nalang yung phone at pinicturan sila. Tuwang tuwa naman si Ken. So feeling niya ang pogi talaga niya? Famous mga ganon? Hahahaha


"Beth peram naman ng ipad mo." Biglang dumating si joshua. Kaklase ko din.


Binigay ko yung ipad ko. For sure magseselfie selfie nanaman tong mga to. Hirap eh. Daming pictures. Nakakatamad tuloy mag upload.


Naririnig ko na sila. Tama ako.

"Guys game. One two three!"

"Wacky naman pre!"


"Fierce dali."

Grabe eh. Mapalalaki. Mapababae. Maya maya naglalakad na siya. I mean, umiikot habang halos buong klase nagpapahinga sa bench. Yung iba mga nakahiga, nagkekwentuhan at iba pa. Ako naman nakatayo at aktong pupunta na sana sa upuan ko.


"Beth picture muna." Sabi ni josh.


Ako naman smile agad. Tapos napansin ko dun pala ako napatigil sa part ni Kenneth. Nakaupo siya sa sahig. Lakas trip ng batang to. May upuan naman.


"Compress teh! O kaya umupo ka nalang." Sabi niya.


UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon