Ramdam na ramdam ko na yung sembreak. Maghapon na kong nakahilata dito sa kama. Minsan lilipat sa sofa. Bukas TV. Kain. Facebook, twitter, instagram, wattpad. Nakakasawa grabe. Unang araw palang ito ng sembreak. Feeling ko aamagin ako buong bakasyon.
"Hoy beth. Chika ka naman!"
"Wala naman akong machichika. Kayo nalang."
Magkakausap kami ngayon sa phone nila Mariani, Lindsay at Hannah. Nakaconference yung call. Maski sila. Bored na din sa kanikanilang bahay. Hindi naman makagala dahil walang income. Hahahahaha.
"Nagkakausap ba kayo ni Lance?" Tanong ni Lindsay.
"Hindi masyado. Pero one time sabi niya may sasabihin daw siya sakin. Eh until now, hindi parin kami nakakapagusap." Sabi ko.
"Haaaaah! Ayan na yon!" Kilig na kilig na sabi ni Hannah.
"Baka aamin na sayo? Wag mo sabihing hindi mo ramdam. Wag dense!" Gatong naman ni Mariani.
Ay nakakaloka. Sige inaamin ko, ako na yung manhid. I mean...uhh you know? Ramdam ko naman. Pero duh, ayoko mag assume. Dahil syempre, sweet naman siya sa lahat. Ugali na talaga niya ang pagiging gentleman. He's a complete package guy. Boyfriend material kumbaga.
"Guys. Please. Tigilan niyo nga ako. Hindi naman sa ayoko sa kanya. Pero, ayoko. Gets niyo?" Tatawa tawa kong tanong matapos sabihin na ayoko talaga kay Lance.
"Bakit ba ayaw mo? He's almost perfect." Pangongontra ni Lindsay.
"Eh kung sa ayaw ni Beth eh. Hayaan mo nalang siya, malay mo may ibang gusto. Hahahaha" sabi naman ni Mariani. Nakakaloka ha. Okay na sana.
"Asa ka pang may ibang gusto yan. Eh one of the boys yan. Hahaha" singit naman ni Hannah.
"Hoy loka hahahaha, grabe mo ko apihin. Ayoko lang talaga kay Lance okay? And duh! Wala pa nga siyang sinasabi nagcoconclude na agad tayo."
"Sabagay/Tama ka dyan./Basta aabangan namin yan."
At hanggang sa gumabi na. Nagpaalaman muna kami. Dahil naubusan na din kami ng paguusapan.
***
Nasa kwarto na ulit ako. Kakapasok ko lang dahil kakatapos ko lang magdinner. Grabe nakakatamad. Bakit kaya ganun, kapag may pasok gusto ko sa bahay lang. Pag naman nasa bahay ang gusto ko may pasok. Talaga bang komplikado lahat ng bagay? Ugh. Drama.
Pumasok na ko ng CR para maligo at magtoothbrush. Para anytime makakatulog na ko. Binuksan ko yung shower at nagsimula nang maligo.
*beeeeeep*
Narinig kong may nagtext sakin. Grabe. May nakaalala. Sana naman hindi gm yon.
*beeeeeep*
Ooppps. Meron nanaman. Miss na siguro ako ng mga fans ko. Ay kaloka! Hahahaha. Maya maya natapos na ko maligo at magtoothbrush, kaya naman nagbihis na ko at nagprepare ng sarili para humiga. Kinuha ko din ang phone ko at binasa kunh sino man ang mga nagtext.
"Ten"
From: Kenneth Lim
"I miss you. Byw mwa!"
From: Bestestfriend
Ohh, ano namang kayang nakain neto. In fairness ha. In fairness talaga.
Nireplyan ko naman si Kenneth matapos kong mabasa yung text niya. Ano naman kaya kelangan neto? Hays."Yes?"
Sent.
Eto namang bestfriend ko hindi ko na nireplyan. Dahil sadyang ganyan talaga yan. Magtetext lang pag trip niya, maski ako naman ganun din. Eh ganun talaga kami. Parang hindi magbestfriend. Hahahaha.
At wala pang ilang minuto nang tumunog nanaman yung phone ko.
"Eleven"
From: Kenneth Lim
Nangaasar ang mokong nakakainis.
Nakahiga lang ako sa kama ko. Nireplyan ko nalang ulit si Kenneth. Hanggang sa ayun, nagreplyan kami ng nagreplyan. Actually wala naman masyadong mapagusapan. Puro tungkol lang sa school yung pinaguusapan namin. Yung mga kalokohan syempre. Imposibleng magtopic yun ng tungkol sa acads. Hahahaha!
Malalim na yung gabi. Mga 10pm na. Wala na kaming mapaguspan. Kaya ang reply ko nalang puro hahahaha. Eh siya din naman.
"Sige na. Gn."
From: Kenneth Lim
Grabe walang kapuso puso yung goodnight. I mean, yun na yon? Ngayon lang ako naka encounter ng ganun ha. Sana hindi nalang siya nagreply. Pero buti nga nagreply siya eh. Ehh? Ano daw? May sapi siguro talaga tong taong to. Pati goodnight pinapaikli. Ang tamad naman.
"Okay. Goodnight."
Sent.
*beeeeeeep*
Aba isa pa. Wag mong sabihing may "TC" pa siyang sinend. Ay anak ng tokwa. Lahat na pinaikli.
"Bethhhh."
From: Lance
Ay si Lance pala.
"Yes?"
Sent.
*Text conversation*
"Help me please. :("
"Ano yun? May problema ba?"
"Eh kasi ano."
"What? Wag pabitin."
"May gusto kasi akong ligawan."
"Oh? Da who naman ang swerteng girlalu na itey?"
"Ugh. Shit. Nakakainis. Nababakla ako sa pagtatapat! Puta."
Aba pambihira tong taong to. Napakalutong ha. Sino naman kaya tong babaeng to. Wag niyang sabihing ako 'to tapos nagpaparinig lang? Ugh. No. Cannot be.
"Easyhan mo. Parang baliw to. Okay lang yan. Basta pag umamin ka harapan dapat. Wag sa text! Ang pangit!"
"Oonaman no! Hay. Bakit pa kasi lalake ang nanliligaw."
"Aba ayos ka din no? Sobra naman kung ibibigay mo pa sa babae yan!"
"Oh ikaw naman ang um-easy. Binibiro lang naman. Basta tulungan mo ko ha. Sige na matulog ka na. Late na din. Goodnight Beth! :)"
"Okay goodnight."
*End of conversation*
Buti pa si Lance buo yung goodnight -_____- eh bat nga ba ko affected? Uhhh.
Nawala tuloy antok ko. Kinakabahan ako. Pano nalang kapag tama yung sinasabi nila Lindsay na ako nga yung tinutukoy ni Lance. Omg. Pero parang hindi naman? Medyo unpredictable din kasi tong isang to. Nakakainis. Pero siguro nga hindi ako yun. Palagi naman akong nakakaencounter ng ganito. Mga magpapatulong sa panliligaw, pangsusurprise, pag-amin at kung ano ano pa. Minsan nga gusto ko na i-business to. Para naman hindi lugi.
What a night!
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!