Chapter 6 Is He Taking Advantage?

21 0 0
                                    

Bethany's POV

Ang bilis ng panahon. Matatapos na agad yung first quarter. Actually periodical exam namin ngayon. Kaya heto kakatapos lang ng first day ng exam kaya pauwi na ko. Kelangan ko kasing bumawi kasi lately medyo tagilid yung mga quizzes ko. Hindi naman ako bagsak, hindi lang talaga ako satisfied.

"BETHHHHHHHH!" sigaw ni Lindsay. Kahit kelan talaga napaka skandalosa nito.

Napalingon naman ako, "Oh bakit?" normal kong sagot. Alam kong malayo na ko sakanila pero alam naman na siguro niya yung sinabi ko. Dahil narin sa facial expression ko.

"DI KA NA SASABAY SAMIN PAUWI?" ang lakas padin ng boses niya. Grabe talaga. Hindi na nahiya. Hindi na rin kasi ako nakapagpaalam sa kanila kasi nga gusto ko na umuwi. Para makapagpahinga at saka makapagaral.

"Hindi na. Una na ko guys! Rereview pa ko!" Saka ako ngumiti at nagwave sa kanila Lindsay. Nako for sure maglalakwatsa pa yung mga yun. Sinusulit ang half day naming pasok. Ganun kasi samin pag periodical exam.

"OKAY! INGAT KA!" sabay wave din at ngumiti silang tatlo.

"Pasaway talaga." bulong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako.

"Tennnn!"

May tumawag. Pero hindi ako lumingon kasi hindi ko naman pangalan yun.

"Tennn!"

Aba umisa pa. Lumingon na ko. May pagkachismosa lang din? Hahahaha! Eh wala din naman kasing ibang tao dun. Kaya lumingon ako.

At paglingon ko. Nakita ko si Kenneth nakatayo sa ilalim ng puno. Napatingin naman ako sakanya kasi nakatingin siya sakin at ang lapad ng ngiti.

AT KELAN PA KAMI NAGING CLOSE NETO?

"Uy Ten! Uuuwi ka na ba?" Tanong niya na kala mo ba eh batang iniwan ng nanay niya.

"Hindi ako lakwatsera." Mataray kong sagot habang naglalakad nang hindi naman kabilisan. Siya naman lakad din. Sunod lang sakin.

"Pwede magrequest?" Nakangiti niyang tanong. Ngiting aso eh.

"Request? Tingin mo nakalimutan ko na yung nangyari satin?" Pagtataray ko.

"HOY NAPAKA MO! ANONG NANGYARI SATIN! NI HINDI NGA KITA HINAHAWAKAN!" Pagdedepensa niya sa sarili niya. Nanlalaki yung mata niya habang nililitanya niya yun.

"Hey! Are you out of your mind?!" Sigaw ko sakanya. Para kaming mga batang nagaaway sa kalye. Bat ba kasi ang layo pa ng sakayan. Eh ayoko naman sumakay ng tricycle. Okay na din to para exercise.

"Eh sabi mo kasi yung nangyari satin eh. Eh wala naman. Sa katunayan nga ngayon lang kita nilapitan." Pahina hina niyang sagot.

"Nahihiya kasi ako." dagdag pa niya. Pero sobrang hina na. Hindi ko na narinig.

"Ano?" sabi ko.

"Wala. Sabi ko sige na please. Pumayag ka na sa request ko." with his paawa face. HAYS! Ang muka ng lalakeng to. Nakakabadtrip. ANG CUTE NIYA!

OH. What did I just say?

Ugh. Eh totoo naman kasi. Ang cute niya sa ganyang muka. Chinito siya. Hindi ko pala nabanggit. Lakas ng dating niya. Pero uh, ngayon nga lang kami nagusap ng ganito. Madalas kasi pag nasa school kami, wala iniirapan ko lang siya. Siya naman ngisi ngisi lang sakin. Ngiting nakakaloko mga ganon.

"Oh ano nanahimik ka dyan? Pumapayag ka na ba? YES! PUMAYAG NA!" at nagtatatalon niyang sabi.

"Pumapayag? E hindi ko pa nga alam kung ano yung request mo." Pagsusungit ko. Ang tagal talaga ng sakayan. Hindi ko tuloy matakasan to.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon