PROLOGUE

156 4 3
                                    

PROLOGUE

JUST IN: Leon Richard was seen kissing Amanda Dy in Quezon City while his partner, Zylene Hernandez, was away in Canada on a business trip. It is unclear if the two have broken up.

Stay tuned for more updates.


I just landed from my evening flight when my co-worker sent me a screenshot of the Co Network update. Nakagat ko ang loob ng labi ko sa balita. Pagkatapos ko linawin kahapon sa lahat na maayos kami na nagmamahalan at walang third party, ito ang welcome back banner niya sa akin? Ang kapal talaga ng pagmumukha niya!


"'Uy, issue!" My mama chuckled. "Sa letrang D, 'di ka talaga pinahalagahan."


"Mama naman 'eh..." I pouted. "no help ka."


Madaling tinext ko si Kim, manager ko, para tanungin kung ano ang nangyari.


"Naka-ilang sabi na ba akong 'he is not the perfect man for you', Akihira?" Away ni Mama sa akin.


"Mama, delay the sermon muna, okay?" I pleaded. "Mas importante po 'to."


I looked at my phone when it vibrated, and I was surprised when I saw the person's name calling me. For the first time, Leon called me. Hindi ko ito sinagot at hinintay lang mamatay ang tawag niya.


Bakit, sino ba siya? Sa issue niya tinapos ang relasyon namin. Tiningnan ko notification banner ko nang may lumitaw. Natawa ako nang makita na punong-puno ang notification ko ng nonsense tweets.


Leon Richard and Amanda Dy are just like what they portrayed in the movie; he is a cheating bastard and a home wrecker girl.

- Megumi12


Pangit na nga nila sa movie, mas lalo pang pinapangit sa reality. Pangit ng pinalit mo, bobo!

- leonhater


Akala ko ba going strong pa rin sila sabi ng bebe Zylene ko kahapon? What is this?

- zylenesboyfriend


"Tama na kaka-chismis 'beh. Ipahinga naman ang mata, aba!" Singit ni mama habang nag-s-scroll ako sa internet. "Kaya nasakit 'yang ulo mo. Kakaselpon mo talaga 'yan."


Natingin lang naman ako ng updates, 'eh.


"It's alright, Ma. At least publicly single na ako 'di ba?" I proudly said, smirking. "What if isa sa kanila umiyak sa media? 'Yung iyak na mukhang chimpazee."


"Ikaw 'yun," pag oppose niya. "tawa-tawa now, iyak-iyak later."


"Nope," umiling ako. "Hindi ako affected kahit isang butil ng tubig! And I already prepared for this day to come."


I scoffed as I recalled how I had cried for weeks when I accidentally saw Leon's chat history. Nagkikita na pala sila bago pa ang taping ng Marahuyo. Tangina, I questioned my worth, my dignity for every sex, and my appearance because of him.

Neverending BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon