CHAPTER 01
"Please, Zylene... Take me back. I can't live without you."
Muntik na akong masuka nang makita si Leon na naka-luhod sa harapan ng pintuan ko. It was only 6 a.m. when he kept banging on my door! And for God's sake, he went here drunk! What if may nakakita sa kaniya sa sobrang reckless? Wala ba siyang utak?!
Napa-sandal na lamang ako sa pintuan at napahilot ng noo sa kinikilos niya.
"Edi rest in peace gano'n," mataray kong sabi.
"Please..." He pleaded, then started crying. "Forgive me... I won't do it again. I'll change."
I will change mo utot mo.
Ilang beses ko na 'yan narinig, walang nagbago kahit isa.
I thought back to how my exes said those phrases too. How they beg in front of me is just like Leon's behaviour right now. Lasing na pumunta sa apartment ko. Nakaka-paghinayang lang na kung sino pa 'yung malalim magmahal, sila pa 'yung sinasaktan. Ano ba ang kulang sa amin? Ugali? Katawan? Itsura?
"Just go home, Leon," I said as I fixed my robe, getting cold. "Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Sinisiksik mo na 'yung sarili mo sa taong ayaw na nga sa 'yo."
"No..." he opposed.
"Yes," I replied, making him cry more.
"No."
"Yes nga!"
"No, Zylene," he said, standing up. He tried to hug me, looking desperate. "Don't leave me, Zy... I love you so much!"
Amoy na amoy ko 'yung alak sa damit niya.
"Ang baho mo!" Malakas ko siyang tinulak para makawala at inis na sinampal. "Huwag kang magpapakita sa akin, Leon. Kung ayaw mo masira ang reputasyon mo sa mga tao."
Binagsakan ko siya ng pintuan at galit na naglakad papunta sa sala. Ang lakas ng loob niyang yumakap sa akin, pero makatrato naman sa akin noon, parang hangin lang.
Mabilis ko na kinuha sa counter ang telepono ko at kinontact si Mr. Kim, my manager. Ikiniwento ko sa kaniya ang pag-iskandalo ni Leon sa apartment ko.
Pagkatapos ko magsumbong, napahawak na ako sa dibdib at umupo sa sofa, pinapa-kalma ang sarili.
Ang hirap nila intindihin. Kung kailan nawala na kami, doon lang sila maghahabol. Pero nung kami pa, wala'man lang ka-effort effort! Kahit tawagan, no answer. Tanungin lang kung nasaan, sasabihan pa nakaka-sakal na kami.
Pang libangan lang ba kami mga babae?
Dahil sa iskandalo ni Leon, nagising na ang diwa ko kaya naligo at naghanda na ako para pumunta sa gym. I don't regret refusing to isolate myself for a guy unworthy of my tears.
BINABASA MO ANG
Neverending Beauty
RomanceALPAS Series #1: Akihira Zylene Hernandez was a successful artist and a woman of her word. She suffered trauma from boys she dated. Where she is the type of person who prefers struggling alone to talking about her problems. She prioritizes populari...