Chapter 05
Humikab ako pagkatapos suriin ang script ng Divine Violence na ipina-deliver ni Manager Kim sa apartment ko. Ala-sais ako ng umaga nagsimula mag-aral, alas-dose na ako natapos.
"Hay, ang buhay nga naman, 'tulad ng gulong." Ani ko. "Umikot-ikot, gumegewang-gewang, gumugulong. Hin-"
Sumitsit si Antonette na ikina-tigil ko. "Hoy, Zylene. Nawawala ka na naman sa katinuan."
Narito kami sa kwarto ko. Nakaupo ako sa office chair ko habang nag-aaral ng script habang siya naman ay nakadapa sa kama ko, nakikipag-chat sa kuya ni Naomi.
Nagbuntong hininga ako at lumipat ng pwesto. Humiga ako sa tabi niya.
"Ang malas kasi ng mundo ko." I complained. "Sa nobela na nga lang ako kinikilig, pinapatay pa ang favorite character ko. Nasaan ang katarungan do'n?"
"Asa pwet ko."
Napa-irap ako sa sagot niya na ikina-tawa lamang.
"Edi wow." Ani ko habang pinapanood siyang kinikilig sa ka-chat. "Sana all din may bebe."
"In-denial ka pa kasi..." comment niya habang masayang nagtitipa.
Napalunok ako ng malalim sa sinabi niya atsaka itinago ang mukha sa folder. Maximilian's scary gaze last week still lingered on me.
Lalo pa akong nahiya nang tumili sa kilig si Antonette at saka umayos ng pagkaka-upo.
Am I that oblivious?
"So... may laman na nga? Sabi na nga ba 'eh."
"Sarado pa," Sagot ko ng mabilis at tiningnan siya. "Huwag kang feeling."
"Ako, wala. Ikaw mayroon na kay Maximillian." Asar niya.
"Whatever."
Nagsimula na akong mag-ayos dahil may schedule ako ng date kasama si Maximillian. Sabi niya kagabi, need daw namin mag date para sa fan service. Hindi rin naman ako maka-hindi dahil kahit text lang iyon, parang may galit kung babasahin.
Nag mukha akong prinsesa sa piniling damit ni Antonette sa akin. Bagong boyfriend, bagong aesthetic daw. She made me wear a simple light red floral short-laced puff fairy dress. I used the pearl earrings and necklace Naomi gave me last Christmas.
Nag-stay pa si Antonette nang ilang minuto para gawan ako ng lunch. Habilin daw ni Naomi yung lagi sa kaniya. Lagi ko kasi nakakalimutan kumain.
Porket ako ang pinaka-bata, ako na ang na bunso na laging inaalagaan. Excuse me, ako kaya ang pinaka matured at independent dito.
Napatigil ako sa paglagay ng lipstick nang marinig ko ang hiyaw ni Antonette.
BINABASA MO ANG
Neverending Beauty
RomanceALPAS Series #1: Akihira Zylene Hernandez was a successful artist and a woman of her word. She suffered trauma from boys she dated. Where she is the type of person who prefers struggling alone to talking about her problems. She prioritizes populari...