CHAPTER 08
ziah @asawanimaxi 12/01'
boss @maxixiqhazy, anong klaseng babae ang papakasalan mo?
maxi @maxixiqhazy 12/02'
'Yung makakatalo lang sa akin sa MVP.
ziah @asawanimaxi 12/02'
hindi 'man ata mag-asawa. nangunguna ka sa ranking ng best player sa pilipinas! 😭
maxi @maxixiqhazy 12/03'
dms.
***
REMINDER: Don't allow someone to treat you poorly because you love them.
"Naka-fasting nga ako, ayaw ko kumain."
Narito ako sa apartment ni Maximillian, naka-upo sa counter ng kusina niya habang pinapanood siyang magluto ng Sinigang. Inaya niya kasi akong kumain sa apartment niya para raw may solo time kami. Syempre um-oo naman ako dahil akala ko kainan na masarap, pero iba pala ang nasa utak ni Maximillian o iba lang talaga ang nasa utak ko.
"Hindi nga ako pwedeng kumain," I sighed.
Hinipan niya ang sabaw na may karne sa kutsara at tinutok sa akin. Umiling kaagad ako at nilayo ang mukha ko ro'n para hindi madikit sa bibig ko.
"It's already lunch time, Zy. Kahit kaunti lang?" pagpupumilit niya.
"Ugh, fine..." I opened my mouth to eat it. "Happy?" I said as I chewed.
Ngumiti siya at tumango dahil napakain niya ako. Parang achivement sa kaniya iyon. Umirap ako at kinuha ang baso sa gilid para uminom ng tubig.
Inikot ko sa apartment niya ang atensyon ko. Normal na apartment lang. Apartment ng mga lalaki be like. Modern and simple. Puro gaming stuff and awards nila. Amoy bulaklakin din ang apartment niya.
"Do you want some rice with it?" Tanong niya habang nagsasandok na.
"Half lang. I can't eat many." sagot ko, pero napa-irap din nang magsandok siya ng madami. "Nag-tanong ka pa."
He just chuckled and positioned himself, in-between my thighs, standing as he fed me. Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil sa pwesto namin. I tried my best to act naturally.
Naka-ngiti siya habang pinapakain ako. Hinayaan ko nalang din dahil masarap ang pagka-luto niya. Parang kusa itong natutunaw sa dila ko. Sana 'wag magalit si Mama kung sasabihin kong mas masarap ang sinigang ni Maximillian.
"Hindi ka kakain?" Tanong ko.
Umiling siya. "Ikaw muna bago ako. Mas kailangan mo kumain kaysa sa akin." Sinubuan niya ako at tinanggap ko naman. "You're an actress, mas kailangan mo ng energy."
BINABASA MO ANG
Neverending Beauty
RomanceALPAS Series #1: Akihira Zylene Hernandez was a successful artist and a woman of her word. She suffered trauma from boys she dated. Where she is the type of person who prefers struggling alone to talking about her problems. She prioritizes populari...