CHAPTER 02
As they say, the relationship goes both ways. It needs equal efforts to balance. Paano naman kapag nagkulang siya, do I need to put more effort into making the relationship work?
"'Eh 'kay taas kasi ng standards mo, napupunta ka sa mga tarantando,"
I sighed as I listened to Tita Snow, kaibigan ni Papa while eating dinner. Birthday kasi ni Papa kaya nandito 'yan. Nagsariling invite ng katawan niya papunta rito, hindi naman namin ka-pamilya.
Siya lang kamo ang hindi Hernandez sa loob ng bahay namin.
"Kaya nga po ako may standards para hindi matarantado," sagot ko naman.
Tumingin nang masama sa akin si Tita Snow dahil sinagot ko ang comment niya. "'Eh baka naman kaya nangangaliwa dahil lagi 'kang wala. 'Eh 'di ba mas tinuonan mo ng pansin 'yang pag-aarte mo kaysa sa pag-aaral. Baka ganoon dire rin nagawa mo."
"Makati lang talaga etits nila," casual kong sabi.
Wala namang naging biolenteng reaksyon ang pamilya ko. Siguro nasanay na sila sa kapilyuhan ng bibig ko.
And I will always choose work over love.
"Allan, ano ba naman 'tong anak mo, napaka-bastos ng bibig." Aniya. Siya lang ang maingay sa hapag-kainan. "Kung ako naging inay mo, baka pinalayas na kita."
"Ay! Buti nalang hindi," I smirked. "Baka hindi ko rin matanggap."
"Akihira," sabay na saway sa akin ni Mama at Papa.
"Sorry po." I looked down and continued eating.
"Ano ba 'yan Emily, tinuturuan mo ba ng maayos 'yang anak mo? Lumalaking bastos." pag tuloy ni Tita Snow. "Sabagay, ikaw rin naman, bastos lalo na sa magulang at kapatid mo. Baka nga tinotolerata mo pa."
Nakulo-dugo ko sa kaniya ha!
"We do not welcome comments po about our family life as it is a private matter. We respect your privacy and expect the same in return." ani ni Mama na naiinis na 'rin.
"True," Agree ko. "Pagmalaki mo nga ulit sa amin 'yung anak mong mahinhin na ngayon ay buntis. Pagkatapos mo ko pagsabihan lagi na pokpok dahil lang sa sex life ko."
Umangat lahat ng dugo ni Tita Snow sa ulo niya sa mga sagot namin ni Mama. "Totoo naman na pokpok ka! Eh kay rami na ng lalaki ang dinala mo sa bahay niyo. Ikaw, Emily, wala ka bang alam sa pagiging nanay?! Turuan mo-"
She was about to argue more when Papa slammed his utensils hard to the table, stealing our attention.
"I absolutely do not tolerate anyone who disrespects my family." declared ni Papa kay Tita. "Leave my house. Now."
Napahagigik nalang ako nang padabog itong nagligpit ng gamit niya nang may sama ng loob. Wala pala siya kay Papa, 'eh. Natawa pa ako nang naglabas ito ng plastik at nag-uwi pa ng pagkain sa kanila. Ang kapal.
BINABASA MO ANG
Neverending Beauty
RomanceALPAS Series #1: Akihira Zylene Hernandez was a successful artist and a woman of her word. She suffered trauma from boys she dated. Where she is the type of person who prefers struggling alone to talking about her problems. She prioritizes populari...