CHAPTER 04
It's a fact that the people you love can sometimes hurt you the most. In such cases, it's best to keep quiet. After all, if your love isn't enough, your words are unlikely to make any difference.
"Sure ka bang dito tayo kakakain?"
Naka-ilang beses na akong tanong kay Maximillian at puro pag-iling lamang ang natanggap ko. Hindi niya 'man lang ako binigyan ng chance pumili ng pagkakainan, hinila niya nalang ako basta.
He rolled his eyes. "Kailan ba ako hindi naging sure sa isang bagay?"
Napakamot nalang ako ng ulo dahil ang ibang customers ng Pancake House ay pinapanood kami. Parang kami pa 'yung naging pagkain sa sobrang pagkatitig nila.
Best selling deserts ata kami.
Chos.
"Sure ka ba talaga?"
"Kumain ka na," he urged.
I sighed as I started eating. "Nawawalan ako ng gana kumain sa mga mata nila, 'eh. Tingin ko kaunti nalang kakainin na nila ako."
"Sino ba kasi may sabi na sila tingnan mo?" he replied. "Gwapu-gwapo ng nasa harapan mo, naghahanap ka pa ng iba. Hays, Zylene. Wala pa tayong three months, ha."
Nandiri kaagad ako. "Grabeng pagka-delulu 'yan."
He just laughed, obviously not taking me seriously.
"Wala tayong drinks?" I asked.
"Sabi mo ayaw mo ng soft drinks at shakes, at ayaw mo rin ng service water. Ano oorderin ko?" Napakamot siya sa ulo.
"I told you to order me a coffee, stupid!"
"Wala silang kape na gusto mo. 'Black coffee lang daw." He explained.
I rolled my eyes. "Ikaw mismo ang magtitimpla ng kape. They will just give you black."
"'Eh, bakit ako ang magtitimpla, hindi naman ako ang iinom?" pagpilosopo niya.
I took a deep breath. "Just order me one."
"Oh, bakit nagagalit ka? Hindi naman kita inaasar."
"Alam mo... wala ka pang ginagawa, Maximillian, asar na asar na ako sa pagmumukha mo."
He sighed dreamingly. "'Wag ka naman pa-masyadong halata na inggit ka sa perfect features ko."
"Yuck, never! Sa ganda kong ito?" I pointed my face. "Do you think I'll be jealous of your animal face?! Tangina, itulog mo nalang 'yan!"
BINABASA MO ANG
Neverending Beauty
RomanceALPAS Series #1: Akihira Zylene Hernandez was a successful artist and a woman of her word. She suffered trauma from boys she dated. Where she is the type of person who prefers struggling alone to talking about her problems. She prioritizes populari...