Part25

17 0 0
                                    


(Asya's POV)

Alas syete na ng gabi nang magising ako,madilim padin sa sala dahil mukhang hindi pa nakakauwi yung dalawa, I tried to call dina pero hindi sya sumasagot tinext ko nalang din si wenwen kung saan sila.

Purket may mga jowa na ayaw na magsiuwi ng maaga tsk tsk.

Umupo ako sa sofa at hinawakan yung noo ko hindi na ako nilalagnat pero nilalamig padin,bigla ko tuloy na miss sina mama ilang linggo ko na din sila hindi inuuwian.. Gusto ko sanang magluto pero sobrang bigat ng katawan ko ayuko din lumabas kasi malamig.

"Kasalanan mo to via" bumaluktot ako saka niyakap yung sarili.

"Paano ko naging kasalanan yan".

Mabilis akong umupo ng maayos at mulat matang tiningnan syang nakatayo malapit sa pinto, I pinch myself kung totoo bang nandito sya at mukhang totoo nga nang titigan nya, titig na nakakapagpatunaw sakin, titig na kinaiinisan ng lahat but not me, I love how she stare, I love everything about her.

"You didn't even lock the door.." sinundan ko sya ng tingin hanggang sa umupo sa tabi ko at sinipat yung noo ko "Good.. Did you eat?" nilibot nya yung mata nya sa kusina saka muli akong tiningnan ng masama "Mukhang hindi you stay here.."tatayo na sana sya nang pigilan ko yung kamay nya.

" You're really here.. "naiiyak kong sabi pero umiwas lang sya ng tingin.

"Alam kong hindi uuwi yung dalawa..I'm just checking you.. "hinila na nya yung kamay nya saka tumayo.

Nakagat ko yung labi ko para di maiyak, siguro nga nagiging emosyonal ako kasi masama pakiramdam ko pero sobrang saya ko talaga na nandito sya..tumayo ako at dahan dahan na naglakad palapit sakanya, naghuhugas sya ng kamay at bago pa sya makaikot niyakap ko na sya saka sinubsob yung mukha sa likod nya agad syang nanigas pero hindi sya gumalaw.

"Saglit lang.. Kahit saglit lang.. Miss na miss na kita.." mas hinigpitan ko pa yung yakap sakanya at mabilis din na binitawan saka tumalikod.."S-sorry".

Narinig ko syang Bumuntong hininga.

Kung kelan hindi na sya akin saka ko na realized kung anong worth nya.

Kung kelan sumuko na sya saka naman ako naghabol.

Pinahiran ko yung luha ko at nakangiting humarap sakanya.

"Via.." lumawak yung ngiti ko pero patuloy padin na tumutulo yung luha ko.

"M-mahal kita.." basag na boses kong sabi saka pinahiran yung luha ko "sinabi ko lang baka pati yan pagsisihan kong hindi ko nasabi.. Gusto ko lang t-talaga sabihin.. Wag mo sanang isipin na.. Gusto kitang agawin sa jowa mo dahil lang sa mahal kita kung saan ka masaya.." yumuko ako at nawala yung ngiti sa labi ko nang sunod sunod ng tumulo yung luha ko sa sahig "kahit hindi ako yung dahilan, pwede bang.. Pwede ba kitang mahalin kahit hindi ka akin?" inangat ko yung mukha ko at mabilis na umurong yung luha ko ng makitang tinatanggal nya yung earpiece sa tenga nya saka kunot noong pinagmasdan ako.

"What were you saying? I'm sorry I can't cook without music".

Kumurap kurap ako at marahas na pinunasan yung mukha ko.

AMP!

WALANGYA!

Marahas akong huminga ng malalim at papikit na bumuga saka tinitigan sya ng masama.

"Ewan ko sayo!" inirapan ko sya saka tinalikuran.

Nakakahiya! May pa iyak iyak pa ko!

Tsaka ano yung sinabi ko?!!

Umamin akong mahal ko sya!

Bwiset!

Nilingon ko sya at nakatitig lang sya sakin na parang isa akong malaking question mark sa isip nya..muli ko syang inirapan at padabog na pumasok sa kwarto.

Nakakahiya ka self jusmeyo!

Between my legs Where stories live. Discover now