CHAPTER FOURTEEN

497 42 25
                                    

"The explorers let the magical monster to escape from the deep floor."




Mountains in ecstasy, colored trees that are swinging, and flying wizards on brooms.

Ilan lang 'yan sa mga nakikita ko mula rito. Tanaw na tanaw ko maging ang mga taong abala sa pang araw-araw. Kung nasa mas mataas pa akong palapag siguradong pati ang iba pang tanawin ay makikita ko sa likod ng mga naglalakihang puno.

I'm in the terrace, which is outside my room. There is a terrace outside of each room in this dorm. Even the terrace next to mine is visible. I'm here to unwind, to reflect on what's going on, and to consider what I should do.


"Babe, she's really is weeping endlessly." I turned to see Yeji as she walked beside me after opening the sliding door.

I followed as she peered inside my room. I noticed the kid sobbing while sitting on Demi's lap. Demi's finger was also combing through her coffee-ash hair. Even from this distance, I can already tell that she has fluffy, wavy hair; her tail and ears are the same way.

Pagkatapos ko kasing sabihin na hindi ako ang tinatawag niyang dadi ay bigla nalang napalitan ng pag-iyak ang masayang mukha nito kanina. Tapos paulit ulit sinasabi ang katagang 'No! you are my dadi!' Kaya rin muna ako lumabas at iniwan sa kanila 'yong bubwit na 'yon dahil naguguluhan at nabibigla ako sa nangyayari. Kama-kailan lang ay gusto ko lang makuha ang libro, nakuha ko nga kaso may extra pang bulinggit.

"Puntahan mo na babe, naaawa ako at baka mapaos kaiiyak." Napabuntong hininga ako dahil sa muling turan ng katabi ko. Nakasandal ito ngayon sa railing habang nakaharap sa loob ng kwarto ko. "Wala rin tayong malalaman kung hindi mo siya kakausapin. Siya lang makasasagot sa katanungan mo." Lumingon ito sa akin at tinapik ang balikat ko bago muling bumalik sa loob. Nakita ko itong nagtungo sa kusina at lumabas na mayroong dalang isang basong tubig. Itinapat niya ito sa bubwit na umiiyak sa kandungan ni Demi ngunit tumalikod lang ito at sumiksik kay Demi. Walang nagawang binaba nalang ni Yeji 'yong baso sa lamesa.

Napailing nalang ako nang binalingan ako ni Yeji at tiningnan ng masama. Tumalikod akong muli sa kanila at hinarap ang tanawin. Gusto ko munang magrelax bago ko harapin ang bubwit na 'yon.

Yeji is also precise; if I remain here, I won't receive any response to my queries. Well, I was only considering the appropriate question to ask her later because we weren't sure if she would be beneficial or harmful to us. She most likely originated from dungeon as well, especially considering that the book came from there which I found. It is uncertain whether her attractive and exquisite appearance conceals a impure motives.

Hindi rin ako nakasisigurado kung masasagot nga niya ang katanungan ko. Sa lagay niyang iyon, magdadalawang isip ka talaga dahil bata pa siya. Malay ba namin kung wala itong kamuwang-muwang sa mundo ngayon. Pero wala nga talaga kaming malalaman kung hindi ko ito tatanungin. Kung makakuha man kami ng sagot o hindi, ang mahalaga siguro ay sinubukan naming magtanong at alamin.

Nang makapag-isip isip na ako ay dahan dahan na akong pumasok. Nakita kong aliw na aliw ang mga kaibigan ko sa bubwit na 'yon. Umiiyak pa rin siya pero puro singhot na lang ang maririnig mo.


"Gusto ka no'n ng dadi mo, did you know that she adore cats?" Rinig kong sabi ni Yeji sa kanya. Napatingin naman sa kanya 'yong bubwit at madungis na pinunasan ang luha sa pisngi niya. Para itong nagtatanong kay Yeji kung totoo ba ang sinabi niya.

DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon