"Your incarceration for the rest of your life will begin if you are late for my lecture."
Ang tanong, mayroon bang naglalambing do'n? Kung oo, bakit at sino ang malas na nilalang ang nagtitiis sa ugaling gano'n?
"Death oh."
I turned my attention to Xiel. May inaabot 'to sa akin gamit ang kanang kamay niya. Kinuha ko iyon at sinampay lang sa balikat ko at sinimulan ulit kumain. I don't know how to wear it.
We're at the dinner hall right now because it's already a supper time. Katulad ng kailangan, nasa iisang table kami ngayon kasama ang kabilang sa party namin. Considering that the captains have their own table at the elevated area in the front, I just don't understand why Xiel is sitting with us.
"Walang sinigang na corned beef at hotdog dito 'no?" Yeji asked in a sudden.
Bumaling ako rito dahil seryoso ang pagkakatanong niya.
"What are those?" Balik na tanong ni Xiel. Halatadong wala itong alam sa binanggit ni Yeji.
Casual na bumaling sa akin si Yeji at inginuso pa ako. "Death used to cook that for us." Turan nito na nagpabaling sa atensyon ni Xiel papunta sa direksyon ko.
Siraulo 'to.
Niluto ko lang naman sa kanila 'yon para pagtripan sila rati at para na rin pambawi sa ginawang pagpapahiya sa akin no'n.
But it ends up being just perfect for their tastes. Nagustuhan nila 'yon kahit pa ginago ko lang ang mga sangkap. Simula no'n lagi na nilang nire-request sa akin na 'yon ang lutuin sa tuwing tumatambay kami sa bahay nila Yeji.
Hindi ko nga alam kung bakit weird ang panlasa ng mga mayayaman. Sila lang ata ang mayayaman na dugyot. Maging ang mga katulong sa bahay nila Yeji ay na wi-wirduhan sa kanila.
"Demi marunong ka maglaba ng damit?" Ice asked.
Nakikinig lang kami sa kanila dahil nagsisimula na silang mag-ingay at bumanat ng mga jokes dahil tapos na rin naman kami kumain pwera sa isa.
"Of course!"
"Weh? sige nga, paano ihihiwalay ang mga damit base sa kulay?" Kae joined them in their discussion.
"Duh, hiwalay ang mga di-puti sa mga di-kolor." Demi answered with pride as she fluffed her hair.
"Paano kapag white tapos may stripes na black?" Ice argued.
Bahagya naman natawa si Yeji at Xiel sa reaksyon ni Demi dahil para itong machine na nag stop ang function.
"Shit." Turan nito habang nag-iisip ng maisasagot. Napangisi na rin ako dahil sa pagkataranta nito, alam ko kasing hindi naman talaga siya naglalaba. "Di-puti, di-kolor and.. a-and, di-ko sure?" Sagot nito.
Nagkatinginan kaming lahat na nasa lamesa bago tumawa nang malakas. Even Xiel finds it difficult to hold back her laughter.
Si Yeji naman ay pinupunasan na ang mata dahil sa luha dulot ng labis niyang pagkatuwa.
"Wow Yeji lakas makisali sa tawa. Do you know the answer?" Demi swiveled to look at Yeji.
"Of course!" Yeji exclaimed with her bright smile. Tumingin kami sa kanya habang inaantay kung ano isasagot niya. "Of course I don't know! itanong mo nalang sa washing machine namin." Umirap pa ito sa isa.
BINABASA MO ANG
DEATH
FantasyThey're both noted for their icy demeanor and hushed affectations. The one who goes above and beyond her standards, and the other who is simply trying to get to the top. Will they run into each other in the middle of their journey? Will Death cros...