Epilogue

10K 415 132
                                    

Epilogue



"Nasaan ang baklitang Achlise?"



Agad na tinuro ng tatlong estudyante na malapit sa pintuan ang babaeng nakayuko sa desk habang natutulog sa tabi ng bintana. Garalgal na pumasok ang babaeng nagtanong sabay hampas ng kamay sa desk kung saan nakayuko ang babaeng itinuro ng magkakaibigan.



"Putang..." mura ng babaeng natutulog sa desk matapos mapaiktad dahil sa gulat.



"Achlise Navas! Gumising ka. Yumayanig na ang gymnasium, burlog ka pa rin!"



"Tang inang bunganga 'yan, armalite ba 'yan?" reklamo ng babaeng may pangalang Achlise habang umuupo nang maayos.



"Close, but not quite," pilosopong sagot ng kaibigan.



Napairap na lamang si Achlise bago tingalain ang kaibigan.



"Ano na naman bang kaguluhan ang gusto mong guluhin, Morgana Coleen?" tanong ni Achlise saka in-stretch ang kaniyang mga kamay at humikab.



"Ay! Ayun nga! Bebs! Muscles vs. Muscles ang labanan ng practice game ngayon kaya yumayanig ang gymnasium! Grupo ng Kuya Rafian mo kalaban iyong mga taga-College of Aeronautics sa practice game. Nood tayo, dali!" tumalon-talon pa si Morgan sa sobrang excitement.



Napamaang na lamang sa kaniya si Achlise habang nakatitig sa inosente nitong ganda.



Mala-anghel ang itsura ng isang 'to, pero balahura minsa. Tsaka bastos lagi ng bunganga. Pati ako nahahawa sa kaniya.



"Anong gagawin ko ro'n? Ang init. Maraming tao," reklamo pa ni Achlise.



"Manonood little sister mo! Si Natharia. Kasali rin sa grupo nina Raf si Damian. Kaya mas maraming nanonood kasi kasama Navas Twins sa laro. Ikaw na lang ang kulang para magkaroon ng family reunion do'n. Kaya tara na!"



Wala nang nagawa pa si Achlise nang tuluyan na siyang mahila ni Morgan palabas ng classroom. Both of them are already in their 3rd year college. Parehong Tourism ang kinukuha at pareho ring palaging usap-usapan sa campus ng university dahil sa mga sikat na relatives.



Nang makarating sila sa gymnasium ay agad na inikot ni Achlise ang buong gym.



Woah, Morgan didn't exaggerate things. Sa sobrang lakas ng sigawan at cheers ng mga tao, halos ramdam ko na ang vibrations sa sementong kinatatayuan namin.



Naglakad palapit sina Achlise at Morgan sa bench kung saan nakaupo ang mga players ng kapatid ni Achlise.



"Lise, Morgan! Buti napilit mong manood ang isang 'to?" bati agad ng binatang si Rafian nang makalapit ang dalawa.



"Hinila ko na. Tulog nang tulog eh," tawa ni Morgan.



"Uy! Hi, sis! Hello, Morgan!" bati ng bagong sulpot na kakambal ni Rafian sa kung saan, si Damian Navas.



"Hi, Damian the Archangel!" kumaway pa si Morgan dito habang ngiting-ngiti.



Sinamaan naman siya agad ng tingin ni Rafian. Napangisi naman si Achlise sa reaksyon ng kapatid bago lumapit kay Damian na inaaya siya nitong yakapin.



Damian and Rafian are identical twins. Ang pinagkaiba lang marahil ay ang kanilang mga mata. Rafian's eyes both has double eyelids, samantalang monolid naman ang kay Damian, kaya minsan ay tila nagmumukha siyang chinito version ni Rafian.



Chant Of The TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon