Chant XL

7.4K 297 62
                                    

Author's Note:

Oh ito na, baka sakalin niyo na ako kapag inabot ko pa sa Sunday e hahaha kidding.

Also, I just want to inform you guys that there might be only 10 chapters left until the Epilogue of this novel. Are you ready to say goodbye to our Ivelhan couple? :(





Chapter 40: Reunited At Last



17 years ago, Aethelberg.



Tumingala si Rafian sa kaharap na building. Sa imbistigasyon na isinagawa nila ng kaniyang Uncle Theobalt ay dinala sila ng nakalap na impormasyon sa orphanage sa Aethelberg.



"Excuse me, Sir? Ano po ang kailangan nila?"



Agad na nabaling ang tingin ni Rafian sa isang dalagitang lumapit sa kaniya na natigil mula sa pagdidilig ng mga halaman sa garden ng orphanage.



"Oh, hi... My name's Rafian, maaari ko bang makausap ang Director ng orphanage? May kailangan lang sana akong itanong," ani Rafian sabay baba ng hood ng kaniyang suot na cape.



"Ah ganoon po ba? Pasok po muna kayo..."



Pinagbuksan ng gate ng dalagita si Rafian at pinapasok ito. Sabay na rin silang tumungo sa loob ng orphanage.



"May I know your name?" ngiting tanong ni Rafian sa dalagitang nagbukas sa kaniya ng gate.



"Ah, Samara po..." ngiting sagot ng dalagita.



Rafian was taken aback when he heard the familiar name. Napatitig siya sa dalaga habang naglalakad.



As expected, it's not her. Even though I can't remember exactly my family's face, I can just tell that my sister is not this kid. Aside from that, according to Lady Achlise, her age doesn't match Ara's. Kung tatantiyahin ay dapat mga nasa 21 o 22 years old na siya ngayon.



"Sir Rafian, manatili muna kayo rito. Tatawagin ko lang ang Director," ani Samara nang sila ay makarating sa living room ng orphanage.



"Sure, take your time. Maraming salamat."



Umupo si Rafian sa isa sa mga sofa na naroon. Inikot niya ang tingin sa simple ngunit may kalawakan at malinis na tanggapan ng orphanage. The whole building looks like a normal but huge house with a lot of rooms. Malinis at maayos ang orphanage, halatang naalagaan nang mabuti.



If Ara grew up in this orphanage, I think, I can be at ease thinking that at least she grew up in a good environment.



Ilang minuto rin siyang naghintay nang may isang babaeng pumasok sa living room. Halatang may edad na ito ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagiging malumanay.



"Good day, Director. I apologize for suddenly intruding your place," agad na salubong ni Rafian sa Director matapos tumayo.



"Oh, no, no, It's all right, young man. Please take a seat. May I know your business in our humble orphanage?" tanong ng Director at umupo na rin sa katapat na sofa ni Rafian.



Napasulyap muli si Rafian sa bungad ng living room nang muling pumasok si Samara dala ang isang cart tray na may lamang tea at biscuits.



"Ah, yes, Director. I am searching for my little sister. Nag-imbestiga ho kami ng Uncle ko at dinala kami ng imbestigasyon namin sa orphanage niyo. I... I am hoping that maybe my little sister lost her way here 19 years ago..." Rafian said, his voice are full of hope.



Chant Of The TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon