SPECIAL CHAPTER 2

35.2K 563 211
                                    

Kita sa mga mata ni Vienna ang lungkot habang nakatitig sa lapida. Paulit-ulit niyang binabasa ang mga pangalan na nakalagay do'n.

Malungkot siyang ngumiti, kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. She took a deep breath before she looked at the sky.

"May God bless your spirits, Mayo, and Cleo." Mahinang bulong niya sa kawalan. Napasinghap siya nang dumampi ang malamig na simoy nang
hangin sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay nasa tabi lamang niya ang mga ito.

Hindi naman siya nakaramdam nang takot, sanay na siya at tila normal lang naman siguro na makaramdam ng ganon lalo na kapag nasa sementeryo.

Muli siyang tumingin sa lapida at umupo ito upang haplosin ang lapida. "You're both resting now. Both of you sacrificed your life para sa ikakapayapa ng buhay namin. Sorry and thank you for everything, kahit pa sa kabila nang kasamaan na ginawa niyo ay napatawad na namin kayo."

She closed her eyes and she remembered him. The man who donated his heart to her husband. Malaki ang pasasalamat niya sa lalaking ito, kung hindi dahil sa kaniya ay paniguradong matagal ng namamayapa sa mundong ito si Dion.

Naniniwala siya na may dahilan kung bakit nangyari ang trahedyang iyon noon. Lahat sila ay biktima lamang ng pag-ibig. Fate played their life.

Si Kupido naman ay mangpapana na nga lang ay sa maling tao pa. Need na ata ng salamin ni Kupido dahil andaming nababaliw at nabibihag dahil kung kani-kanino na lamang nahuhulog ang mga tao.

Katulad ng ipinangako namin sa kanila ay binigyan namin sila ng maayos at payapang libingan. Si Jezebeth naman ay cremation ang nangyari sa kaniya. Pare-pareho silang namatay ng gabing iyon.

She opened her eyes when she felt someone's hugging her right now. Lumingon siya sa likod, pero wala siyang nakita. She gulped and pinakiramdaman niya ang malamig na yakap na iyon. She's familiar with that hug. Naalala niya ang pakiramdam na mayakap niya si Cleo. The man who volunteered himself to hugged him when she missed his Dion.

She saw his husband smiling while walking towards her. Bago ito makalapit sa kaniya ay tila nanigas siya sa kinatatayuan niya dahil parang bumulong sa kaniya na hindi niya inaasahan. "Te quiero. . ." at bigla na lamang nawala ang malamig na hangin na tumatama sa balat niya nang makalapit na sa kaniya ang kaniyang asawa.

Nakita niya ang pagkunot noo ng kanoyang asawa. "Are you okay? Why are you crying? Namimiss mo ba sila?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Dion. Ngumiti siya at kaagad na niyakap ang asawa niya at sa bisig nito siya umiyak.

She felt relaxed and safe while hugging his husband. Yumakap ito sa kaniya pabalik at hinalikan ang noo niya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang likod, habang paulit-ulit siya nitong hinalikan sa noo.

She looked up at tumitig sa mga mata ng asawa niya. Matamis siyang ngumiti at walang pasabi na sinakop niya ang labi nito, habang nakakapit siya sa balikat nito.

"Aray ko! Sino 'yon?" Kaagad na sabi ni Dion at hinawakan ang batok niya dahil ramdam niya na may malakas na pumalo sa batok niya.

Alam niyang hindi ang asawa niya iyon dahil hindi naman ganon kabigay ang kamay nito.

"Kami! Gago ka, balak niyo pa atang maghasik nang malagim na kababalaghan dito sa sementeryo at mismong sa harap ng putod namin? Ayos kayo ah!"

"Ano 'to? Porket ikaw pinili at kami nagpaubaya isasampal mo mismo sa harapan namin kung gaano niyo lasapin ang labi ng isa't isa?"

"Bastos niyo! Respect sa puntod at sa aming multo na walang jowa mga peste!"

Parehong nanigas sa kinatatayuan ang mag-asawa habang nakatitig sa isa't isa. Dahan-dahan silang tumingin sa gilid nila at tila aatakihin sila sa puso nang makita ang dalawang multo at matalim na nakatingin sa kanilang dalawa ay mali! Kay Dion lang pala ang mga ito na nakatingin.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon