VIENNA'S POINT OF VIEW:
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hindi ko nga alam kung saan niya nakita iyon, ang tanging naalala ko lamang ay itinago ko naman iyon para hindi makita ng iba.
Mabuti na lamang at hindi niya alam na vibrator iyon. Matagal na akong may ganon, pero hindi ko naman ginagamit.
Tumayo ako at pumunta sa may sofa. Gusto ko kasing umidlip lang kahit sandali, halos hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kahapon. Parang hindi na process ng utak ko sa mga nangyari.
Hihiga na sana ako, pero narinig kung tumunog ang intercom na konektado hanggang sa sekretarya ko. Padabog akong tumayo at naglakad pabalik sa lamesa ko.
"Ano ba iyon?" Iritang tanong ko.
"Ma'am may gusto po kasing kumausap sa'yo."
"Sino naman?"
"Ayaw po sabihin iyong pangalan e! Nagpupumilit po kasi na gusto ka daw pong makausap, importante daw po ang sasabihin niya, Miss Vienna."
"Let him in, " kaagad na sabi ko at saka ko pinatay ang intercom. Mariin akong napapikit at hinilot ang ulo ko. Mashadong stress na ako.
I opened eyes and I saw the man who betrayed me. I looked at him seriously. "I want to talk to you, Vienna."
"At ano naman ang pag-uusapan natin? I don't want to talk about the past, Mayo. I'm done with that." Seryosong saad ko. Hindi nakawala sa paningin ko ang bahid na lungkot sa mga mata niya, napairap na lamang ako.
"Totoo bang nililigawan ka ng Alkaldeng 'yon?"
"At ano naman kung nililigawan niya ako? It's not your business anymore."
"Paano ako, Vienna? Tayo? Hindi mo na ba ako mahal? Ganon-ganon na lang ba iyon? Ganon na lang ba kadali para sa'yo na humanap ng iba at palitan ako?" Sigaw nito sa akin at sa pananalita pa lamang ay mahahalata mo ang pagkadesperado nito at tila nawawalan na ng pag-asa.
"Why don't you ask yourself? And sa tingin mo ganon ako katanga para magpakatanga sa'yo? Wala kang pake kung mag-iba na akong gusto. He's more better than you."
"Hindi ako papayag na basta-basta ka na lang niya makuha sa akin, Vienna. Tandaan mo sa una palang ay akin ka na. Ikaw na nga rin ang mismong nagsabi na ikaw ay para sa akin lamang. And until now ay pinaghahawakan ko parin iyon."
"Kalimutan mo nalang lahat ng sinabi ko noon. Umalis ka na dito kung wala ka rin naman palang sasabihin na matino. Sinayang mo lang ang oras ko. Umalis ka na!" Galit na sabi ko sa kay Mayo, at siya naman ay tinitigan lamang ako. Tumango siya at umalis na dito sa opisina ko.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at madiin na hinilot ang shoulder ko. Mas lalo akong na stress dahil sa kaniya.
"Sino nanaman ba 'to?" Inis na sabi ko, bago ko sagutin ang tawag.
"Hello! Who are you?"
"This is Allison, please sunduin mo naman ako ngayon dito sa airport. I miss you na, balak ko sana kasing surpresahin sila Mom and Dad, kaya hindi ko sinabi na nakauwi na ako ngayon."
"Oh! Well, welcome back. Okay, antayin mo na lang ako." Kaagad na sabi ko bago mag-end ang call.
Tila kaagad nawala ang stress ko ng malaman ko na nakabalik na pala dito sa Pilipinas ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
Mabilis akong kumilos at nagmaneho papunta sa airport. Kaagad ko naman siyang nakita kaya ipinarada ko muna ang sasakyan ko at masayang lumapit sa kaniya. Nagulat naman siya dahil sa biglaang pagyakap ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)
RomanceIn the bustling city of Manila, Mayor Dion Dawson, a charismatic leader known for his commitment to public service, experiences an unexpected twist of fate. One day, a woman named Vienna Santiago crosses his path. Vienna is not just any woman; she's...