"Carmela Pov"
Naiinis ako sa ginawa ko kay Elizabeth tama siya ako na nga itong tinulungan niya haist babawi na lang ako sa kanya.
Napaupo na lang ako sa aking kama napapaisip pa rin ako kung ano ang aking gagawin para makaiwas na kay Ashley simula ng iwan niya ako ay kinalimutan ko na siya ang totoo wala na talaga ako nararamdaman sa kanya. Napahiga na lang ako sa aking kama itutulog ko na lang ito. maya maya ay nakatulog na ako.
ZZZZZZZZZzzzzzzzz
Naalimpungatan ako ng may narinig ako na nabasag sa sahig napaupo agad ako at binuksan ang lampshade ko. nakakunot ang noo ko ng makita ko si Elizabeth.
Shit "Rinig kong sabi niya.
Anong ginagawa mo dito? "Tanong ko sa kanya at tinulungan siya.
Pinapatawag ka kasi ni Nanay Sharon kakain na kasi "Sagot nito pinaupo ko siya sa kama tumayo ako sa kama at hinatak yung tali para magbukas ang ilaw.
Putcha yan kapa pa ako ng kapa sa pader para hanapin yung switch ng ilaw nandyan pala yan "Rinig kong sabi ni Elizabeth.
Bakit ka kasi pumapasok sa kwarto ko hindi ka manlang kumatok "Sabi ko sa kanya.
Kumatok kaya ako "Sabi niya
Wala akong narinig "Sagot ko at umupo sa tabi niya. Napatingin ako sa kamay niya.
Patingin nga "Sabi ko sabay kuha ng kamay niya. wala naman akong nakitang sugat kaya binitawan ko na ang kamay niya.
A-ano tara na sa baba "Sabi nito sabay tayo tumingin ito sa lapag gumilid siya at nagtatatalon siya palihim akong natawa dahil muntik na siya masubsob binuksan niya ang pinto at lumabas akala ko hindi na siya babalik yun pala kumuha lang siya ng walis tambo at dashpan winalis niya ito yung maliit na bubog ay pinulot niya.
Magiingat ka baka masugatan ka "Paalala ko sa kanya tumigil ito at tumingin sa akin ngumiti lang ito sa akin napaiwas ako bigla naramdaman ko kasi na kinakabahan ako ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ayos na pwede ka na bumaba Señorita"Narinig kong sabi ni Elizabeth Napalingon ako sa kanya tumingin sa sahig malinis na nga ito at wala na ang maliit na bubog. Bumaba na ako sa kama.
Hintayin mo na lang ako sa labas at magbibihis lang ako "Sabi ko sa kanya. tumango lang siya at lumabas na bitbit ang dashpan at tambo after ko magbihis ay lumabas na ako akala ko nandito si Elizabeth.
San na naman nagpunta ang babae na yun? "Tanong ko sa sarili ko. wala akong nagawa kaya naglakad na lang ako palabas paglabas ko ng rest house ay nakita ko siya nakatalikod ito sa akin.
Anong ginagawa mo dito? "Tanong ko sa kanya lumingon naman ito sa akin na nagtataka.
Ang sabi ko anong ginagawa mo dito "Ulit ko.
Eh señorita ikaw kaya nagsabi sa akin na lumabas ako "Sagot nito. napairap na lang ako sa sinabi niya.
Tanga ba siya!!
Ou sinabi ko lumabas ibig sabihin non lumabas ka ng kwarto at doon ka maghintay sa labas ng kwarto hindi mismo sa labas ng rest house duh! common sense "Sabi ko sabay lakad at papunta na sa cottage. naririnig ko siya na bumubulong huminto ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya.
May sinasabi ka ba? "Mataray na tanong ko sa kanya
Wala po sunget este Señorita hehehehe "Napapairap na lang ako sa mga sinasabi nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Walang kapalit
ActionContinues of Walang kapalit para po sa kaalaman ng lahat ang unang chapter ng Walang kapalit ay nasa dati kong Account na Shana5555 please read niyo po muna yun bago po ito. Sorry sa matagal na pagupdate. And thank you sa mga nagbabasa ng story sto...