CHAPTER 8

10 5 8
                                    

"Elizabeth Pov"

Pauwi na kami ngayon at katabi ko siya iniisip ko pa rin ang nangyare sa amin kanina. Nabalita na rin ang nangyare at kanina habang siya ay busy ay tumawag ako kay big boss sinabi ko naman sa kanya ang lahat nangyare at safe naman ang kanyang anak.

Ang hindi ko lang maintindihan itong babae na ito. matagal na pala niya ito alam ng hindi manlang sinasabi sa akin. Haist mabuti na lang talaga at walang nangyare sa kanya nagaalala pa rin ako sa kanya kahit naman sobrang sunget nito siya pa rin ang amo ko at kaligtasan niya ay mahalaga.

Pagdating namin sa mansion ay agad akong sumunod sa kanya nilapag ko ang mga gamit niya sa kwarto nangaalis na ako tinawag niya ako.

Sandali "Tawag nito sa akin napalingon naman ako sa kanya.

Bakit po Señorita? "Tanong ko sa kanya.

Thank you "Sabi nito sabay ngiti. napangiti na rin ako sa kanya..

Tungkulin ko po ang iligtas ka "Sabi ko sa kanya. Tumango lang ito sabay balik sa beast mode..

Lumabas kana pagtimpla mo ako ng Coffee "Utos nito sa akin.

Opo Señorita "Sagot ko sabay bow lumabas na ako sa kwarto nito sabay iling..

May expiration pala ang pagngiti

Natawa na lang ako ng palihim bumaba na ako at nagtungo sa Kusina para ipagtimpla ng kape ang amo ko..

Magandang hapon Beth "Bati sa akin ni nanay Sharon

Magandang hapon din "Bati ko rin kay nanay Sharon..

Bakit aga niyo umuwi ni Señorita? "Tanong ni Nanay Sharon.. kumuha na ako ng baso at naglagay ng kape at creamer..

Wala naman po kasing gagawin si Señorita kaya nagdecide siya na umuwi na lang po kami "Sagot ko.. ayaw ko na magalala si nanay Sharon lalo't na matanda na siya...

Ganun ba hmmm kanino yan? "Tanong niya napalingon naman ako kay nanay Sharon..

Ito po ba? "Pakita ko sa kanya..

Ou "Sagot niya.

Kay Señorita po ito "Sagot ko.

Kailan pa siya nagpapatimpla sayo? "Tanong ni nanay Sharon...

Kaninang umaga lang po "Sagot ko sabay timpla.

Sige po nay sharon akyat ko lang po ito mahirap na magsungit si señorita "Paalam ko sa kanya. tumango naman ito sa akin umakyat na ako sa taas at kumatok ko.

Señorita papasok na po ako "Sigaw ko sa kanya baka kasi di niya marinig atleast alam niya na papasok na ako..

Sige pumasok kana "Sigaw din nito mula sa loob pagbukas ko ng pinto ay nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa salamin.

Pakilagay na lang sa gilid "Sabi nito sa akin lumapit naman ako sa kanya at nilapag ko ang Kape.

Pwede ka na lumabas "Sabi nito sa akin.

Kapag may kailangan -----

Wla na lumabas kana " Utos niyo sa akin.

-_-

Beast mode na naman ang lola niyo. may dalaw siguro..

lumabas na ako at baka batuhin pa ako ng kape naalala ko yung kape binuhos niya sa akin.

Walang kapalitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon