Chapter 9

22 7 5
                                    

"Elizabeth Pov"

Pagbukas ko ng pinto bigla niya ako hinatak papasok. nilock ang pinto at sinandal ako sa pader. Nanlilisik ang kanyang mga mata galit na galit siya nakatingin sa akin.

Señorita nasasaktan ako "Sabi ko sa kanya yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mata.

B- Bakit  b-bakit? "Napatingin ako sa kanya at nakita ko na pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. agad naman akong naalarma sa kanya. lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at hinawakan ko ang kanyang mga pisnge.

Anong nangyayare sayo S-señorita bakit ka po umiiyak? "Tanong ko dito tinapik niya ang aking kamay at pinunasan niya ang kanyang luha.

Umalis ka na dito "Sabi nito sa akin sabay bukas ng pinto.

Alis "Sabi pa nito.

Pero Señorita "Pagpipigil ko.

SINABING LABAS "Sigaw nito sa akin sabay tulak napaupo ako sa sahig dahil sa pagtulak niya sa akin.

Yan ang nararapat sayo malan----- "Hindi ko narinig yung pinaka last na sinabi niya dahil sinara na niya ang pinto.

Para siyang bata pa topakin nakakainis grrrrrr.....

Tumayo ako ng dahan-dahan at humawak sa pwet ko ang sakit eh..

Maldita ka talaga may araw ka rin......

Paika-ika akong bumaba ng hagdan wala na rin ang iba pang maid dito siguro ay naghahanda na para kumain.. ako ay dumiretso na lang sa kwarto at nahiga ang sakit ng pagkakabagsak ko kanina itutulog ko na lang siguro ito.

Pero bakit kaya siya galit na galit.....

wala naman akong kasalanan para ikagalit niya. teka sabi ni Nanay Sharon pagkatapos kausapin ni Señorita yung kausap niya ay lumabas ito at pagbalik galit na galit hindi kaya nakita niya kami naguusap ni Sergio at narinig niya ang paguusap namin tungkol sa kanya.

Napatakip ako sa noo.

Kasalanan ko nga talaga

Kaya naman pala galit na galit yung isa haist magsosorry na lang ako sa kanya bukas pagtitimpla ko na lang siya ng paborito niyang kape na creamy..

Maya-maya ay nakatulog na ako

Maaga ako nagising sumasakit ang aking tyan hindi kasi ako kumain kagabi kaya heto ako sa kusina magbubungkal ng makakain hindi naman siguro magagalit si señorita kung kukuha ako ng makakain. habang kumukuha ako ng pwedeng makakain ay iniisip ko kung paano ko paaamuhin ang isang malditang leon.

Ano ba yan wala manlang makakain dito magluto na lang kaya ako, sige yun na lang.

Nagsaing na ako at nagluto ng almusal baka kasi maaga kami aalis ni señorita atleast nakaready na ang almusal niya. ilang saglit lang ay tapos na ako magluto ng kanyang almusal. Mabilis ako kumain at hinugasan ang aking pinagkainan pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit para pampalit maliligo na kasi ako para magkagising niya nakaready na ako. Nang matapos ako maligo ay nagtimpla na ako ng kape. maya maya nakita ko si Nanay Sharon.

Nay Sharon kape po tayo "Alok ko sa kanya.

Salamat na lang kumain kana ba? "Tanong ni Nanay Sharon.

Opo tapos na po ako kumain "Sagot ko.

Si Señorita ba kumain po ba kagabi? "Tanong ko.

hindi rin siya kumain "Malungkot na sabi nito.

Walang kapalitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon