Napapakamot nalang ako sa tuwing mapupunta kami sa mga laruan. Ganito pala ang arcade? Ang ganda pala dito? Minsan na yata akong napunta dito eh nong bata pa ako. Pero iba ang ganda ngayon mas madami na ang pwedeng laruin.
“Tara pari hanapin natin sina Dave baka andito lang iyon naglalaru.” saad ni leonel.
“Sama ako?” turo ko sa sarili ko.
“Ayaw mo?”
“Syempre sasama ako, ayuko kaya maiwan dito. Baka makita ko mga nakaaway ko sa ibang school pagtulungan ako sayang kagwapuhan ko kung magagasgasan lang.”
“Mabubugbug kana nga, puro padin kahanginan alam mo. Iwan ko nalang sa'yu Arven sana magkajowa kapa. Gan'yan ba ang resulta ng iiwan ng Ex? Masyado kanang naging mahangin.”
Natahimik ako dahil sa sinabi ni Harvey.”A-Ay s-sorry pre. Nagbibiro lang.”
“Ayos lang, tanggap kunang iniwan ako.” sagot ko saka tumango tango
“So , pano? Maghiwa hiwalay na muna tayu. Para naman makita natin sila Dave. Baka nag eenjoy na nga iyon tas tayu hindi. ”
“Sige, dito ako.” saad ko.
Tumango sila bilang pagsang ayon saka umalis. Sabi ko nga ako lang naman ulit ang mag isa? Iwan nalang talaga. Lumabas muna ako ng arcade baka sakaling nagkain lang sa tabi tabi itong mga lokong ito.
Kinakamot ko ang batok ko saka walang reaction na naghahanap don sa tatlo hanggang sa magawi ako sa isang coffee shop , may coffee shop pala dito ?
Tinignan ko iyong relo ko, at wow mag aalas tres na pala. Ang bilis naman yata ng oras parang kahapon lang tayu pa.
Bahala nanga , binuksan ko iyong pinto saka pumasok. Halos mailang nalang din ako ng tumingin sa'kin lahat. Meron palang mga studyante dito.
“STUDYANTE NG L.U IYAN DIBA? ANG GWAPO.”
“OO NGA NOH? NEW STUDENT IYAN EH. YON NGA LANG SENIOR NATIN.”
Tatango tango ako, mabuti iyan? Igalang n'yo ako dahil senior na ako. Senior naman na talaga ko eh.
Naupo na ako don sa pinakadulo tapus may lumapit sa'kin kaya tinignan ko ito mula paa pataas.
“Anong gusto n'yong coffee? With Vanilla o with strawberry?” walang ganang tanong nito.
Gravi ang ganda n'ya.
“OMYGOSSSHH SI RYU BA IYAN? DITO PALA S'YA NAGTATRABAHO? DI PALA SILA MAYAMAN? DALI PICTURAN MO TAS IPOST MO SA OFFICIAL GROUP NG L.U.”
“PERO MAGANDA PADIN AH.”
napatingin ako sa mga studyanting nagbubulungan. Bulungan nga ba?
“Ah Bigyan mo 'ko ng pagmamahal m—este strawberr— ay Vanilla pala. Iyong masarap ah. Iyong malatulad mo na unang tingin palang mapapa wow ako.”
“Gingago mo ba ako?”
“Joke lang naman, ito naman di mabiro. Basta iyong may banila lang. Masarap ba iyon?” kunot noong tanong ko meron bang ganon?
Tanong ko sa isip ko. Pero iyong tanong ko di manlang sinagot ang suplado naman ng babaeng iyon. Pero infairnes ang daming studyante na pumapasok tas mga mga matatanda pa. Tas lagi s'ya ang tinatawag.
Siguro madaming may crush sa babaeng ito. Kahit nga ako nagandahan eh.
“Here, enjoy sir.” saad n’ya.
Hindi naman ako kumibo at nakatingin lang din sa kan'ya. Grabi iyong dating n'ya midyo maangas na may dating sa lahat.
Pero teka? Ba't parang familliar s'ya sa'kin nagkita naba kami dati.
BINABASA MO ANG
Captain of his heart (Student series 1)
Random-S'ya si Ryu Cole Lopez, Isang Sarcastic na babae at captain ng Varsity pinapangarap ng mga kalalakihan. matalino at laging nasasangkot sa gulo. maraming hindi nakakaalam sa buhay na meron s'ya. Dahil bukod sa tila hindi ito intirisado sa mundo mas...