••••••
Nasa library kaming dalawa ngayon, s’ya nag aaral kaya syempre ako din. Hindi pwedeng di ako mag aral ah. Kung matalino s’ya idi matalino din ako para naman same goal kami.
Hindi ako mapakali sa kina uupuan ko, pano di ako makafoccus e, may gusto kasi talaga akong itanong kaso nakakahiya baka di s’ya sumagot e. Sayang lang laway ko kung ganon.
“Problema mo? ”
“H-Ha? ”
“Natatae kaba? Parang di ka mapakali e. ” she said, grabing bunganga iyan walang preno. Kababaeng tao e grabi magsalita buti nalang talaga di s’ya nagmumura. Umayos ako ng upo para magtanong sa kan’ya.
“A-Ah babylabs? Kasi ano? Ah pwede magtanong? ” saad ko pero di manlang s’ya tumango.
Kaya nagsalita ulit ako, baka kasi inaabangan n ’ya lang itatanong ko at tama nga ako.
“K-Kayo ni R-Raven? Di paba icoconfirm na hindi talaga kayo n-nagdedate? ”
“Hindi na kailangan alam naman nang lahat ng staff ni Raven kung sino ako at kung anong meron saming dalawa. ”
“Eh p-pano iyong fans n’ya saka fans mo na nag iisip na may kayo? ”
“Bobo nalang siguro maniwala doon. ” she said.
“So, bobo pala ako?”
“Kung naniniwala ka, Oo. ”
“Syempre hindi. ” diritsang sagot ko saka ngumiti sa kan’ya. Pero di manlang tumingin sa’kin.
Tskkk! Sa gwapo kung ito ayaw n’yang tignan? Grabi naman. “Eh, matanong ko lang ulit may balak kabang magkaroon ng boyfriend? ”
“Oo.” diritsang sagot n’ya.
Syempre tuwang tuwa ako, aside kasi sa sumasagot s’ya sa tanong ko e, mukhang may chance pa akong maka usap s’ya ng maayos gayong seryuso s’ya sa binabasa n’ya. Naiintindihan kaya n’ya habang tinatanonh ko s’ya?
“Ano ba gusto mo sa lalaki? Babylabs? I mean anong standards meron ka sa lalaki? ”
“Wala.”
“Wala? As in— ok lang sa’yo kahit pangit?”
“Oo.”
“Kahit walang ligo? ”
“Oo.”
“Kahit walang toothbrush? ”
“Oo.”
“Kadiri ka naman e, papatol ka sa kahit walang toothbrush? Sa ganda mong iyan? Yakkk! As in yuckk!”
“Ba’t ka mandidiri kung sa 7.6 billion na tao dito sa mundo e iyon lang ang nagmamahal sa’yo at handang ilaban ka sa lahat. ”
“Kahit na ilaban ako sa war hindi ako magboboyfriend ng walang toothbrush noh. ”
“Ikaw naman iyon, iba naman ako. ” sagot n’ya.

BINABASA MO ANG
Captain of his heart (Student series 1)
Acak-S'ya si Ryu Cole Lopez, Isang Sarcastic na babae at captain ng Varsity pinapangarap ng mga kalalakihan. matalino at laging nasasangkot sa gulo. maraming hindi nakakaalam sa buhay na meron s'ya. Dahil bukod sa tila hindi ito intirisado sa mundo mas...