chapter 9

762 40 0
                                    


Pumasok ako sa court na may pagkalutang, kaya naman di ko napansin natatamaan ako ng bola dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"HALA, AYOS LANG BA S'YA?"

"OY , PARE MAG INGAT KA NAMAN."

"OY, SI RYU NATAMAAN NG BOLA."

"ayos kalang ba?" napaangat ako ng tingin ng may naglahad ng kamay sa harapan ko. Nang makita ko kung sino tila napakunot noo nalang din ako.

S'ya na naman? Pero ayos ah. Naalala ko tuloy iyong kumain kaming dalawa sa streets foods, akala ko maarati hindi naman pala.

Walang reaction ko naman na tinanggap ang kamay nito saka ako tumayo, dahilan para mapuno ng bulungan dito sa loob. Nakakasawang makinig sa mga sabi sabi kaya masaya akong na suspende atleast matatahimik muna buhay ko ng isang buwan.

"Sure kabang ayos kalang talaga?"

"Oum." sagot ko.

Tumango naman ito kaya umalis na ako at pumunta sa ibang manlalaru. "So, ano alam n'yo naba kung anong mga posisyon n'yo para sa darating na laru?" tanong ko sa kanila.

"Oyy bestfriend, andito ka pala?" bulong sa'kin ni zyrus.

"Wala , kaluluwa kulang ito."

"Ay ganon? Ba't nakakausap ko?"

Tinignan ko ito ng masama kaya umiwas din naman agad. "Eh, ikaw? Kumusta date mo? Naka score kaba?"

"Besfriend naman, di naman ako ganon noh? Pero oo kiss lang kaso."

"Tarantado."

Magsasalita pa sana ako ng lumapit si Arven sa gawi ko saka ngumuso."Bakit kayo nagbubulungan?"tanong n'ya.

"Masama ba?"

"Oo , masamang masama."

"Bakit? Ano meron?" takang tanong ko.

"Nagsisilos ako."

"Ano?"

"Nagsisilos ako."

"Ha?"

"Nagsisilos ako sabi ko."

"What?!"

"NAGSISILOS AKO, BAKIT S'YA PA KABULUNGAN MO E PWEDE NAMAN AKO!" sigaw n'ya na kinatahimik ng lahat.

"YIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEE MAY NEW COUPLE NABA?"

"BARKO LAYAG!"

"BARKO LUBOG HAHAHA!"

"RYUVEN LAYAG!" sigaw ng mga ito.

"Kinikilig ako, may loveteam na pala tayu nakkss. Ikaw ba? Ryu kinikilig kaba?"

"May nakakakilig ba?"

"Ay manhid, di mo ramdam? Di ka manlang nakaramdam ng paru paru g d'yan sa t'yan mo? Ako kasi meron e. Para s'yang umiikot na gustong kumawala."

"Magiging aswang ka arven pag gan'yan. Kaya kung ako sa'yu magpagamot kana."

"Eh. Ryu naman huwag mo'kong asarin."

"AHAM!" sabay kaming napalingon ng magsiubo iyong kateam namin. "Baka gusto n'yong mag practice muna bago kayo magbangayang dalawa?" saad ng isa sa kateam namin.

"Halikayo dito." saad ko. "Harvey , ikaw ang rebound aa team. Always mong tandaan bago mo agawin ang bola siguraduhin mong mananalo ka. Pagnagkamali ka ng agaw baka masaktan ka. Ikaw naman." turo ko don sa isa. "Always kang mag block. Ikaw ang haharang kung sino ang magtatanggang magpashoot ng bola. Ikaw?" turo ko don kay Arven.

Captain of his heart  (Student series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon